TRAVELBOOK NOW!

Monday, October 6, 2014

Bukas na liham ng mga preso para sa mga rapists ...

Got this article from a friend.

Beware rapists:

BUKAS NA LIHAM NG MGA PRESO
Para sa mga Kalalakihan
Kaibigan, kami ay mga Preso. Oo nakakulong kami, halang ang bituka at kaluluwa namin. Iba't-iba ang kaso naming mga Preso. Mayroong nakapatay, droga, robbery at pagnanakaw at ang iba ay nangbubugbog ng mga bata. Oo aminado kami na nanglamang kami at nakasakit ng kapwa, pero ginawa namin iyon para mabuhay, at para sa mga anak namin at hindi na namin ipag-pipilitan, dahil aminado kami na mali iyon, pero kahit kailanman ay hindi kami nang-gahasa ng kababaihan.
Oo, mayroon kaming mga kasalanan at ang ibang kasamahan namin na mayroong kaso na "RAPE". ay binibigyan namin ng espesyal na atensyon. 
V.I.P. kung tawagin.
Hindi ninyo alam ang tinutukoy namin na V.I.P.

Dahil kapag lumaya na ang isang Preso na katulad namin ay hindi niya ikinukuwento kung ano ang nagaganap sa loob ng piitan. Dahil walang gustong makipag-usap at ang iba ay nilalayuan kapag nalaman na ex-convict. Hindi rin sila nag-kukuwento dahil nahihiya sila, kaya't hayaan ninyo na kami na ang maglabas ng mga pangyayaring iyon, para sa ikaaalam ng lahat..
Gagamitin namin ang mga termino o salita na kami lang ang nakaiintindi. Kapag itinatrato naming V.I.P. ang isang Preso na nahatulan sa kasong RAPE.
"TAKAL" ang ibig sabihin ay bugbog, sa mga maliliit na presinto pa lamang ay puro (takal) na ang aabutin kapag nalaman namin na RAPE ang kaso ng taong pumasok sa aming selda..
"SUPERMAN" superman ay isang libangan naming mga Preso, partikular sa mga CityJail. Ang ginagawa naming libangan na Superman ay ang bagong pasok na Preso na nang-RAPE, apat na katao, ang isa hawak ang isang kamay, at ganon rin ang tatlo, hawak ang kamay, at magkabilang paa. Ihahagis ng mataas na mataas at sasaluhin, doon rin mismo, kung saan ang toka nilang hinawakan na parte, kapag malikot ang nang-RAPE at gumalaw hindi namin masasalo, alam nyo na siguro kung ano ang mangyayari kapag hindi namin nasalo, paulit-ulit hanggang hindi kami nasisiyahan, nasisiyahan lamang kami kapag nakakita na kami ng dugo.
"TAXI" ang taksi na tinatawag ay, kapag nalaman ng MAYORES na ang bagong pasok sa oblo (piitan) ay rapist, tuwang tuwa na ang MAYORES, dahil mayroon na naman siyang taksi, pinapasan ng mga rapist ang MAYORES o segunda mayor at lahat ng may katungkulan, pinapasan ito kahit saan gustuhing pumunta. Kapag sinabi ng MAYORES na gusto niyang lumibot buong araw sa City Jail, ibig sabihin buong araw niyang papasanin ang MAYORES, paikot-ikot at gagawin siyang taksi, hindi siya puwedeng umangal dahil ang aabutin niya ay "TAKAL" o "SUPERMAN" kapag nanglaban pa siya..
"MONYITO" "A/C"
Monyito ay taga-bantay sa mga preso habang natutulog. Hindi siya puwedeng matulog dahil kapag may isang binangungot o tiniraydor na preso at ito'y namataya ay idadagdag iyon sa kaniyang kaso, take note: habang siya ay nagbabantay ay may hawak siyang pamaypay, mag-damag niyang papaypayan ang mga preso, para hindi lamukin ang mga ito. Hindi siya puwedeng pumalag kung ayaw niya ng "TAKAL" at "SUPERMAN" kinabukasan..
Kung ang inaakala ng iba na kapag nanggahasa sila ay basta-basta lamang sila makukulong, matutulog at kakain lamang sila sa loob ng bilangguan, nagkaka-mali sila. Hindi ito pananakot at hindi gawang kuwento. Ito'y totoong pag-trato sa mga preso na rapist.
Isinulat namin ito dahil kami ay nababahala na sa datos ng gobyerno na isa sa tatlong kababaihan ang nagiging biktima ng RAPE na walang pinipiling edad, bata man o matanda, dalaga o mayroong asawa. At base sa datos namin araw-araw ay mayroong pumapasok sa aming piitan na ang kaso ay RAPE.
Nangyayari ang V.I.P. na tinatawag sa mga City Jail lamang, dahil matagal nang organisado itong aming piitan na (New Bilibid Prison)"MUNTINLUPA"
Pero ayon sa datos ng gobyerno na tatlong kababaihan ang ginagahasa araw-araw, ay mapipilitan rin kaming ibalik ang sistemang V.I.P. para sa mga taong magtatangkang mang-GAHASA ng mga kababaihan. Madali namin mapupulong ang iba pang malalaking PIITAN, at iba't-ibang lider ng mga pangkat, gaya ng "BAHALA NA GANG", "SPUTNIK" "COMMANDO" at ang iba pa, na siyang sumusuporta sa isang rapist kapag ito'y sumama sa isang pangkat. Pero sa pagkakataong ito, wala nang pangkat-pangkat, talo-talo na, panahon na para pairalin na ulit ito, ang "BATAS NG PRESO"
Ngayon lamang kami gumawa ng bukas na liham. Hinihingi po namin ang tulong mo, kung sakaling mabasa mo ito.
Kung ikaw ay may anak na babae, mayroong kapatid, pinsan, nobya at asawa na babae, kailangan ko po ang tulong mo para maikalat ito. Ipakita mo na mayroon kang malasakit sa mga KABABAIHAN, kung gusto mo mabawasan ang datos na tatlong BABAE ang nagagahasa Araw-Araw..
Ayon kay Dr. Jose Rizal
"Panulat ang matinding sandata"
Labanan natin ang dumarami na kaso ng RAPE sa Pilipinas

2 comments:

  1. Well, that's something... Nakakabahala naman yun... Ang brutal lang...

    ReplyDelete
  2. @ Sepsep ... kaya ingat na huwag makulong ha ha ha

    ReplyDelete