TRAVELBOOK NOW!

Friday, October 24, 2014

Bon Voyage Bunso

Isa na namang pinsan namin ang narahuyong magtrabaho sa Gitnang Silangan , partikular sa Dubai.

Ang aming Bunsong si Rene.

Isa isa na silang umaalis ng Pilipinas upang makatikim ng mas maginhawang buhay malayo sa pamilya.


Nanduon na yata silang lahat na kapanabayan kong lumaki at tumanda dito sa Antipolo City.

Ako na lang ang natirang nakikipagpambuno sa hirap ng buhay dito sa mahal na bansang Pilipinas.

Lagi na lang ako ang naghahatid sa kanila papuntang airport.

Kailan naman kaya na ako ang ihahatid paalis ng bansa ?


Ang tanong ko : kailan kaya ako makakapangibang bansa?

May magpepetisyon ba sa akin para makapagliwaliw sa ibayong dagat ?

O dito na ako sa bansang sinilangan ko mabubulok at maaagnas ?

Itanong ko daw sa buwan at mga bituin.

: )

1 comment:

  1. hahhaha. Never say never, dear. Time will come. Inaayos pa ni Lord ang mga papeles mo :)

    ReplyDelete