TRAVELBOOK NOW!

Thursday, October 30, 2014

Bicol Revisited


Huli akong dumako sa lugar ng Bicol ay nuong kasal ng aking pinsang si Ate Nonie siguro mga 15 taon na ang nakakalipas.

At dahil sa isang work assignment na iniatang sa aking balikat ng aking kumpanya ay muli akong nagawi sa lugar na ito ng mga uragon o magagaling.

Ang Bikol ay hindi na banyaga sa akin.

Dito ipinanganak at lumaki ang aking ama.

Marami akong mga kamag-anak na dito nakatira partikular sa mga bayan ng Sipocot , Libmanan at Lungsod ng Naga at nuong ako ay musmos pa lamang ay palagi rin akong nadadako dito.

Mahigit sampung oras ang biyahe ng bus patungong Naga City ( kung saan may assignment ako sa SM Naga ) mula sa Maynila.

Gabi ako umalis ng Turbina Bus Terminal sa Calamba Laguna , umaga na ako nakarating sa Naga City Camarines Sur.



At bago ko gawin ang aking assignment ay dumako muna ako sa bahay ng aking tiyuhin sa Calabanga Camarines Sur.

Ang simbahan ng Calabanga 
Nang dito pa naninirahan ang aking tiyuhin at ang kaniyang buong pamilya ay masaya at punong puno ng buhay ang bahay nilang ito.


Subalit sa ngayon na lahat sila ay nasa Maynila na nakatira at ang iba niyang mga anak ay nasa ibang bansa na ay tila nalugmok na sa kalungkutan ang dating masayang bahay na ito.

Ibang iba na sa dating pinapasyalan ko nuong bata pa ako.

sa kanto
O ha , sumabit pa ako sa  jeep he he he
Matapos makapananghalian ay sumugod na ako sa Naga City , ang lugar ng dakilang late Governor at DILG Secretary Jesse Robredo.

Nanibago din ako sa lugar.

Tunay nga na magandang pamana ang iniwan  ng ating butihing kababayang Bikolano na si Jesse Robredo.





Siyempre hindi ko rin kinalimutang lasapin ang mga pagkain na tanging sa Bikol lamang matitikman.

Kinalas and Toasted Siopao

Pansit Bato

Sili Ice Cream
Nang gumabi na ay napagpasyahan kong makituloy sa bahay ng aking pinsan sa Libmanan Camarines Sur.

Sa bahay ng aking mabait na  pinsang si Ate Gina.

Nasa gitna ng bukid ang kanilang bahay.



Very nostalgic ang mga ala-alang muling dumaloy sa aking gunita.

Ang sarap ding damhin ang katahimikan at kasimplehan ng paligid sa ganitong lugar.

Malayo sa magulo , mainit at maingay na gubat ng siyudad.

Dito ay masarap ang pagtulog at paggising mo.

Presko ang hangin at sariwa ang mga pagkain.



Masarap ding maligo at magtampisaw sa tubig mula sa poso na nasa gitna ng bukid.

astig , may cable naman sila 

ang poso

gandah

ang lawak  ng bukid na ito 

hinabol mo pa ako ha 
Matapos ang halos isang araw nang pananatili ay kinailangan ko nang magpaalam dahil may mga trabaho pa akong aasikasuhin sa Maynila.

Kung hindi lamang ay masarap sanang dito na muna lumagi at  magbakasyon ng ilang lingo pa.

Balik na naman ako sa kaguluhan ng siyudad.

Kung magkakaruon ulit ng pagkakataon ay hindi ako mag-aalinlangang muling bumalik at bisitahin ang natatanging bayang sinilangan ng aking ama at ng aking minamahal at nami-miss na mga lolo at lola.


1 comment:

  1. So happy for you na muli kang nakabisita sa lugar ng iyong angkan. Although di pa 'ko nakaluwas ng Maynila eh alam ko kung gaano kaingay sa ciudad na iyon kaya batid kong gaano ka na-relax sa pag-stay sa mapayapang lugar na tulad neto. Nakapag-selfie ka pa talaga habang umaandar ang jeep, astig!

    ReplyDelete