TRAVELBOOK NOW!

Sunday, September 7, 2014

Who Wants To be A Millionaire? Santa Lucia East Grand Mall audition

Ginanap ang isa na namang pa-audition ng Who Wants To Be A Millionaire? and this time ay sa Santa Lucia East Grand Mall  sa Cainta Rizal.

At dahil sa isang dipang tumbling lang ang layo nito sa amin ay gorabels ang lola ninyo.


At kung nuong nauna ay maagang gumanyak ang lola n'yo sa Fairview audition , this time ay medyo late effect me.

Mabuti na lang at nakahabol pa before magcut-off ng 11 AM in ten minutes whew.

As usual , fill up ng napakaraming papers before the audition.

Nawalan na nga ng tinta ang bolpen ko dahil sa dami ng pinipirmahan simula pa nang una kong audition sa Fairview  he he he.

Bale pangatlong audition ko na ito dito sa WWTBAM na nagsimula nuon sa Fairview Terraces kung saan ay hindi ako pumasa sa Top 10 ng examination round : (

At sa pangalawang pagkakataon naman duon pa rin sa Fairview Terraces ay pumasa na ako sa Top 10 exam round. Pasok ako sa sunod na round which is a camera interview pero waley na sa next round of Final Interview's Top 15.

This time sa Santa Lucia ay may bagong chapter na .

Heto ang number ko:


To make a long story short, exam proper na mala WWTBAM.

15 questions and out of 15,  I got 11 correct answers kaya ano pa ba kundi pasok ako sa Top 10 , heto oh :



 Qualified to the next round of audition: Camera Interview

 At dahil medyo matagal pa naman ang turn ko to be interviewed , lunch muna tayo sa foodcourt:




Matapos makapagpababa ng kinain ko balik na ulit sa stage room para sa aking audition process saga.

When my turn came to be camera interviewed it just went by candidly.

Sinabi ko lang ang mga dapat sabihing kaechosan , ending my statement with " puto ng ina mo! " he he he.

Kayo na bahalang mag-isip kung ano ang ibig kong sabihin dito ; )

Then wait ulit ng "sana'y maghintay ang walang hanggan " bago i-announce ang Top 15 na pasok sa Final Interview.

So habang naghihintay , pasyal pasyal muna ako sa 4th Floor ng mall .



 At nang magutom ( na naman ) ay lafang ulit ako dito:



Siyempre pampaalis kaba ang food 'di ba he he he.

Hintay pa ng konti , and then the most awaiting time finally came para sa announcement ng Top 15 to qualify for the next round of audition.

Heto kaming mga naghihitay na bitayin :


At ito naman si Ate Announcer ng mga sasalang sa bitay he he he :


And the Top 15 was announced in no particular order.

I just can't believe what I've just heard.

Himala ng mga himala dahil after the 5th name was revealed , my name came in as the sixth na pasok sa next qualifying round of Final Interview.

I just can't believe it na nakapasok ako kaya halos himatayin ako sa tuwa at napa-cartwheel pa ako sa buong mall , 'chos.

Hayzzz , at long last.

Pasok ako sa Final Interview.

Then I have waited again for my turn to be finally interviewed.

Kay Kuya naman ang Final with matching camera on the side pa rin.

Interview galore about my personal life and hang-ups ganun.

Ang ending , within 2 to 3 weeks ay mag-expect ng call from their team kung makakapasok at makakaupo na sa hotseat kaharap ang Bossing ng mga bossing walang iba kundi si Vic Sotto.

So I have 3 weeks to wait for their call starting now.

Ang dasal ko lang ay sana matawagan ako para finally ay makaharap ko na si Bossing at magkaruon na ng ending ang teleserye at telenovelang ito ng aking pakikipagsapalaran with the game show Who Wants To Be A Millionaire?

And I am very positive naman na may ending na ang seryeng ito ng aking blog for WWTBAM.

At ang susunod kong blog na is about my experience of how is it  sitting in the hotseat at kaharap si Bossing.

Yun na.

At siyempre , bago tuluyang umuwi ng aking balur , lafang lafang ulit basta may time.


Busog na ako para talaga akong bibitayin huh.

And these  signs na nakita ko sa loob ng foodstore ay very prophetic and foreshadowing huh :



Oh debah naman , may sign na si Lord he he he.

Sana nga po.

Sana nga, Amen !

No comments:

Post a Comment