TRAVELBOOK NOW!

Monday, September 1, 2014

Parikit Inasal

Ang sabi nga nila, minsan ay kailangan mo lamang tumingin sa iyong paligid at saka mo madidiskubre ang mga bagay na hinahanap mo na nasa malalayong lugar pa.

At napatunayan namin iyan dito sa Parikit Inasal foodhouse dito sa Marikina City.


Ito ay isang unique and authentic foodhouse na nagse-serve ng mga original na pagkain straight from Lucban, Quezon Province like Longganisang Lucban at Pansit Habhab ( Lucban )

Ayon sa server na si Ashley , taal na taga-Lucban ang may-ari nito kaya siguradong orig na pagkaing Lucban ang ihahain sa iyo dito.

Kaya't aming sinubukan ang kanilang dinadayo at sikat na Longganisa Lucban ( Lolucsilog ) at Pansit Habhab.


Malasa nga ang kanilang longganisa kumpara sa ibang klase nito bagamat malilit lamang.



At ang  kanilang Pansit Habhab na tanyag na hinahaluan ng suka para lalong sumarap.


Hindi kataka-taka na ito ay dinarayo ng mga parukyano lalo na kung weekends na talagang hindi mahulugang-karayom ang lugar sa dami ng kumakain dito.

Bukod sa nabanggit na mga pagkain ay mayruon pa din silang ino-offer na ibang mga putahe katulad ng Pusit with Cheese  na siguradong bubusog sa iyong nagugutom na sikmura.


Idagdag pa ang kakaibang provincial and rural ambiance ng lugar na mistulang nasa isa kang bahay-kubo sa Lucban ang atmosphere.








Kaya kung madadayo kayo sa Marikina at gustong makatikim ng authentic na Lucban pride delicacies , punta na sa Parikit Inasal at ating tikman ang kanilang mga putaheng ihahain sa iyo ng lubusan.


No comments:

Post a Comment