TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 18, 2014

On Kris Aquino , Ai Ai Delas Alas , Jamvhille Sebastian and Cedric Lee et al ...

1.) On Kris Aquino giving bestfriend Boy Abunda a Hummer car as a 
gift after recovering from a disease - a nice gesture actually , but then 
it doesn't have to be a car. Bakit kung sino pa yung mayayaman na at 
marami nang kotse ay siya pang nireregaluhan ng mas marami pang 
sasakyan. Poproblemahin pa ni Sir Boy ang garage para diyan huh. 
Maraming pasyente sa PGH ang ni walang nagreregalo kahit isang
bulok na prutas huh !



2.) On Ai Ai Delas Alas flaunting her newfound 20 year old boyfriend from Dela Salle - a
gap of 30 year January - December affair . Here we go again. Wala ka
na ba talagang kadala-dala Ai Ai ? Pagbigyan ang trip mo, basta sa
susunod huwag kang lalabas ulit sa TV huh dahil inumbag ka na
naman ng boylet mo . Umay na kami sa mga drama mo.



3.) On Jamvhille Sebastian wanting to have the latest brand new
Iphone 6 in the midst of his battle against cancer - Ipon para sa Iphone
Wala namang masama per se , yun nga lang wrong timing siguro.
Dapat unahin muna ang mga gamot para sa sakit mo kesa sa luho.



4.) On the recent bailout of Cedric Lee and Zimmer Raz - nakangiti pa ang
ungas . Parang sinasabi sa publiko na " kita n'yo gaano kadali mauto at
tapalan ang justice system natin ? Wala daw ebidensya ? Eh ano ang
tawag n'yo sa mga kuha ng CCTV camera , mas malinaw pa sa araw na
ebidensya iyan huh! O baka naman natapalan ng pera ang mga mata
ng lady judge na humawak nito kaya hindi niya makita ang mga
ebidensya sa CCTV footage ?



No comments:

Post a Comment