TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 4, 2014

Hello Kitty is not a cat ...

Ano naman itong paandar at pautot ng Sanrio ( the company behind it ) na si Hello Kitty daw ay hindi isang cat o pusa kundi isang " littel girl "




Ayon sa isang artikulo sa Los Angeles Times : “Hello Kitty is not a cat. She’s a cartoon character. She is a little girl. She is a friend. But she is not a cat. She’s never depicted on all fours. She walks and sits like a two-legged creature. She does have a pet cat of her own, however, and it’s called Charmmy Kitty.”

Ibang klase din magpaandar ang Sanrio na ito huh.

Eh kasi naman bakit may whiskers ang potek na Hello Kitty na iyan huh .

Merun  bang little girl na may bigote sa pisngi huh.

Ano 'yan " little girl " na balbon ?

At saka bakit Kitty  eh 'di ba pet name 'yan for a little kitten ?


Ang gulo noh!

Baka naman maging precedent 'yan sa ibang cartoon character at sabihing si Barney ay hindi dinosaur kundi isang hotdog  , at si Marvin The Martian ay hindi taga Mars kundi taga Mercury Drugs , si Bugs Bunny ay never na rabbit kahit mahilig ngumuya ng carrots , at  si Mickey Mouse ay hindi   naman " mabait " , si Donald Duck ay never na ugly duckling at si Popeye ay hindi sailorman bagkus ay ang nawawalang asawa ni Sailormoon he he he.

Ang masama nito kapag si Dora ay hindi isang explorer kundi isang rat killer ha ha ha.

At kapag si Mr. Bean ay hindi isang alien kundi isang buto na ginamit ni Jack paakyat ng langit huh.

Eh si Big Bird kaya hindi naman ibon , kundi isang malaking etits ha ha ha ha.

At si Cookie Monster ay hindi halimaw kundi isang malaking biscuit o kaya ay donut ha ha ha.

Ah ewan , kaloka kayo!

Ginulo ninyo ang tahimik naming mundo!

Bahala nga kayo sa mga paandar ninyo.


    

1 comment:

  1. hahahahaha natawa ako promise... hahaha


    Kalokah nga teh yang si Hello Kitty. May british little girl bang may whiskers haha kalokadidang talaga...eh paanu kung si Johnny Bravo pala eh isang baklang maton haha charoz..

    ReplyDelete