TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 5, 2014

Ako at Ang Mandurukot

Last Sunday , after going to a service in Victory Church , I aboard a jeep going home in Cogeo , Antipolo City.

Pagdating ng Masinag ay may sumakay na isang mama na tila hindi kaaya-aya ang itsura at amoy. At sa akin pa talaga tumabi ang bagong sakay na mama. 

Pilit na sinisiksik ako ng mama habang umaandar ang jeep.

Bagamat masama ang mamintas , subalit I swear na hindi maganda sa ilong ang amoy niya pati na ang itsura dahil mukhang hindi pa naliligo dahil sa gulo ng buhok niya.

Pilit akong lumalayo sa kaniya ngunit hinahabol niya akong tabihan.

Naghinala na akong mukhang may gagawing hindi kaaya-aya ang mamang ito sa akin.

Hindi ako nagkamali.

Bandang Tres Hermanas malapit sa Cherry Foodarama , may pumarang isang lalaki at bumaba ng jeep.

Habang bumababa ang lalaki , naramdaman ko na tila may gumagapang at dumudukot sa aking bulsa ng pantalon.

Alam mo yung pakiramdam na parang may ahas na gumagapang sa iyong pantalon , ganun!




Dali-dali kong sinalat ang loob ng bulsa ng pantalon ko.

Shocked ako dahil nakapa kong wala na ang aking cellphone sa loob.

Nag-panic ako at sumigaw na " nawawala ang cellphone ko "

Nagkagulo sa loob ng jeep.

Saka nagsalita ang mamang katabi ko na " hayun kinuha nuong lalaking bumaba iyong cellphone mo , nakita ko , kinuha niya mula sa sahig , dali habulin mo "

Dagli naman akong bumaba ng jeep at aktong hahabulin ang mamang kabababa pa lamang.

" Manong nasaan ba yung mamang sinasabi mo , wala naman ah , hindi ko makita ? " tanong ko duon sa mamang katabi ko .

" Hayun oh , yung mamang nakaitim na damit. Iyong kabababa lamang dito , habulin mo dali at baka nasa kaniya pa iyong cellphone mo " sabi ng mamang katabi ko.

Subalit kahit anong tingin ko sa paligid ay wala akong nakitang mama na nakaitim na damit .

At saka madilim na nuong mga oras na iyon dahil mag-aalas nuwebe na ng gabi.

Kinutuban ako.

Baka gusto lamang ng mamang ito na habulin ko ang isang mama na hindi ko makita , subalit ang totoo ay siya ang kumuha nito , ang mamang katabi ko sa upuan.


Modus Operandi.

Tinanong ko ang isang pasahero kung totoong may kinuhang cellphone sa sahig ang mamang bumaba ng jeep.

Ang sabi ng pasahero ay wala daw.

Dito ko na kinompronta ang mamang katabi ko sa upuan na mabaho at mukhang gusgusin.

Sabi ko , " siguro ikaw ang kumuha ng cellphone ko sa bulsa ko ano , dahil kanina may naramdaman akong gumagapang sa bulsa ko eh "

Sabi niya , " hindi ako , bakit mo ako pagbibintangan ! "

At this point in time , naghanda na siyang bumaba ng jeep .

" Hindi ka puwedeng bumaba , sabi ko , kakapkapan muna kita "

" Hindi ako ang kumuha , bakit mo ako pinagbibintangan , ang kumuha ay iyong mamang bumaba kanina ,iyon ang habulin mo "

Subalit hindi ako pumayag na bumaba siya nang hindi ko siya nakakapkapan.

Hanggang sa napansin ng isa pang pasahero na may naiwang cellphone duon sa upuan .

" Ito ba ang cellphone mo ? "

Oo ,iyon nga ang cellphone ko .

Iniwan nuong mamang katabi ko nang maramdaman siguro niya na hindi ko siya tatantanan na kapkapan para mabawi ang cellphone ko.

At may nakakita pa pala na isang pasaherong babae na siya nga ang kumuha nito mula sa bulsa ko , hindi lang nagsasalita dahil natatakot din.

Kaya sa mga sumasakay ng jeep , mag-ingat sa mga makakatabi ninyo sa upuan.




Palagiang tignan ang inyong bulsa dahil hindi ninyo alam may mga kawatan na handang dumukot ng inyong mga gamit kahit nasa loob na ito ng inyong bulsa.

Thank God pa rin dahil nakauwi ako nang maayos sa aming bahay at hindi tuluyang nawala o nadukot ang cellphone ko.

Ingat ingat din 'pag may time !

2 comments:

  1. Wow! Tapang mo para kumprontahin 'yung magnanakaw. Nakakatakot kasi gabi pa nangyari. Buti na lang at nabawi mo.

    Praise God for protecting you during that time.

    Dami na talagang masasamang loob ngayon.

    ReplyDelete
  2. Eto ang isa sa mga fear ko kapag bumabyahe ako. :(

    Buti na lang at solo lang na gumagalaw yung madurukot. Kung may kasama siya, baka kung ano pa mangyari.

    Thank God at nabawi mo and safe ka. :)

    ReplyDelete