Saturday, August 2, 2014

Who Wants To Be A Millionaire ? studio audience


July 14 , 2014 nang maimbitahan ang inyong lingkod na muling tumapak sa studio taping ng programang Who Wants To Be A Millionaire ? ni Bossing Vic Sotto sa TV 5 .


Ginaganap ang taping sa Studio A ng TV 5 station sa may Quirino Highway Novaliches Q.C.




Dati na ako ritong nakapunta nang maging isa ako sa mga sampung contestants para sa fastest finger first nuon ng programang ito. Sayang nga lamang at hindi ako nakaupo sa hotseat dahil ang bagal ng mga daliri ko ha ha ha.

At ngayon ay nagpunta ulit ako hindi bilang isang contestant  kundi bilang isang studio audience sa paanyaya ng kanilang Audience Coordinator na si Mam Razel Elmedulan.



Ganap na alas-sais ang 2nd episode taping at tamang tama dahil pagpasok ko sa studio ay ang 1st episode pa lamang ang tine-tape.

Kaya tambay muna kami sa likod partikular sa  Let's Ask Pilipinas studio holding area.




Matapos ang taping ng 1st episode ay inanyayahan na kaming kumain sa canteen at matapos lumapang ay akyat ulit kami sa studio A para sumalang na bilang mga audience ng 2nd episode.

Ang maglalaro ng gabing iyon ay si Dexter Vile Laurden na taga Misamis Oriental sa Mindanao.


Ayon sa kaniya ay nandito lamang siya ng kaniyang mga kaklase sa Maynila upang mag-review para sa isang bar exam nang matiyempuhan niyang may pa-audition ang WWTBAM  kaya't sumali siya at masuwerte namang napili para sumalang sa hotseat.

Sa madaling salita ay matuling umusad ang mga tanungan at sagutan sa pagitan nila ni  Bossing Vic at hanggang sa pang round 14 kung saan nakapag-uwi ng tumataginting na 400,000 si Dexter para iuwi sa kaniyang pamilya sa Mindanao.

Tumagal lamang ng halos isang oras ang taping at natapos ito nang may kasiyahang nakapinta sa bawat mukha ng mga nanduroong manonood.

Masaya ang atmospera sa loob ng studio lalo na sa presensya ng kuwelang jester na si Roy at siyempre ng muy simpatikong si Bossing.


Sayang nga lang at hindi ako nakapagpa-picture kay Bossing.

Hindi bale , tiyak namang may susunod pang imbitasyon para dito at sisiguraduhin ko na sa araw na iyon  ay may souvenir picture na ako with Bossing.




Til next time : )

Watch the video here :

No comments:

Post a Comment