Wednesday, August 6, 2014

Who Wants To Be A Millionaire? audition Part 2

For the second time this year ay dumako ako sa Fairview Terraces upang mag-audition sa Who Wants To Be A Millionaire? ni Bossing Vic Sotto ng Channel 5.


Bagamat maulan nang araw na iyon ay sugod pa rin akez dahil baka makasali at mapili na ako para umupo sa hotseat this time.

Himala , dahil siguro sa ulan ay medyo kakaunti lang ang nag-audition nang araw na iyon.


Dahil nasa letter " D41 " lang ang number ko kumpara nuong nakaraan na nasa letter " K " ako.




At hindi ako naghintay nang matagal para sumalang sa exam na mala-WWTBAM din kung saan ay may 15 round of questions na kailangang masagutan mo ng tama para makapasok ka sa first round of elimination.

At tinawag na nga kaming lahat na nasa letter " D " na all in all are  50 contestants .


Ang makakapasok lamang para dito sa first round of elimination ay sampu  lamang.

Kaya kung sino iyong sampu na may pinakatama at pinakamabilis na sagot ay siyang makakapasok sa next round of audition which is a VTR recording.

At lumarga na  nga ang 15 rounds of random questions na pinangunahan ng equally funny and comic host na si Roy .


Hanggang sa panghuling 15th question.

At matapos ito ay dagli na ring ini-announce kung sinu-sino ang pasok sa Top 10.

At nang tawagin ang pangalan ko bilang pang-apat sa mga nakapasok sa Top 10 ay nag-cartwheel at tumambling ang lola ninyo papunta sa stage.

o hayan at nalaman ninyo na ang true name ko huh
Ha ha , joke lang iyong cartwheel at tumbling exaggerated na iyon he he he.

Pose lang ako ng demure na ganito he he he.

o di ba , parang extra lang he he he
Siyempre , proud ako kahit papaano dahil out of 15 questions ay dalawa lang ang mali ko huh.

At matapos ito ay sinabihan kami na bumalik ng bago mag-alas tres ng hapon para sa next round of audition which is a VTR thingy.

Na isipin daw namin na kaharap na namin si Bossing at ano daw ang sasabihin namin sa kaniya para mapili akong contestant at bakit ako ang karapat-dapat na umupo sa hotseat.

Okay fine , whatever!

So tambay mode muna at tsibog sa SM Fairview ng Papa John's Pizza at Ted's La Paz Batchoy he he he. Tutyal huh.




In fairness , nabusog naman ako.

Medyo diet muna, dahil haharap ako sa camera at baka hindi ako mapili dahil sasabihing bundat ako he he he.

Sa madaling salita , bumalik ako sa Fairview Terraces nang eksakto alas-tres ng hapon.

Tamang-tama dahil umaandar na ang pagsalang sa VTR kuning kuning.

At ako ang last na tinawag, mygash abelgash.

Lumilipad na naman ang mga paru-paro sa aking dibdib.


So isinalang na ako sa VTR.

Madali lang, halos 2 minutes lang tumagal.

At sa kaba ko ay hindi ko na maalala kung ano ang pinagsasabi ko sa harap ng tatlong manong with their camera ha ha ha.

Camera shy pa naman ako ,OMGosh.

At nang matapos ang VTR ay sinabihan ako na maghintay sa stage area para sa announcement kung sino ang 15 na makakapasok sa next round of audition which is the Final Interview.

Hintay mode pa rin.

Hanggang sa dumating na ang pinaka-aabangan nang lahat na nakapasok sa exam.

Ang announcement ng head of the panel of jury .

At natapos ang 15 names na binasa niya.

Hindi ko yata narinig ang name ko.

Again , wala ang name ko sa Top 15.

Hu hu hu.

Hindi ako nakapasok sa next round , wawa naman ako ( insert lupasay sa floor effect here )


Hindi yata nagustuhan ng mga jury ang " puto ng Ina mo " emote ko hu hu hu.

Waaahhh , hindi bale may susunod pa naman daw na audition ulit , sali na lang daw kami ulit at may-I-repeat ang sets of eliminations na naman para dito.

Well, ayoko na yata , napapagod na ako.

Hindi ko na yata matutupad ang isa sa mga bucket wishlist  ko na makaharap si Bossing Vic sa hotseat.

Duon na lang kaya ako sa Studio Audience pumunta at mas may chance na mapili pa ako as one of the helping studio audience huh.

Hindi , susubok ulit ako.

Malay mo next time.

Sabi nga nila , try and try until you die.

Pero ready na akong mamatay kapag nanalo na ako ng dalawang milyon at nakaharap si Bossing.

So sa mga WWTBAM staff , abangan ninyo ang aking muling pagbabalik huh!

Hindi ako nananakot huh.

Nagbabanta lang he he he.

Smile everybody : )




1 comment: