TRAVELBOOK NOW!

Sunday, August 24, 2014

Tupig

Isa sa aking gustong delicacy na gawa ng ating mga kababayang Ilokano sa Norte ay ang tupig.

Favorite ko ito simula bata pa lang ako dahil isa sa mga masarap na gumagawa nito ay ang aking mga kamag-anak, lalo na ang aking lolo nuong nabubuhay pa siya ,  from my mother side sa La Union.

But then dahil medyo madalang na akong nakakapunta or nakakauwi sa probinsya ni mother sa Balaoan , La Union ay karaniwang sa mga bus kung saan may mga naglalako nito na lang ako nakakabili.

Ito ay isang kakanin na gawa sa malagkit tapos ay ibinabalot sa dahon ng saging saka sinusunog/sinisigaan sa baga upang maluto.

Ang resulta , isang malinamnam at malasang kakaning malagkit na tanging mga Ilokano lamang ang perpektong nakakagawa ..


Kaya naman nang makapunta ako sa Nueva Vizcaya ay buy agad ako ng isang balot/banig.


Sa susunod na akyat ko ng Baguio ay bibili pa ako ng mas marami dahil kulang ang isang balot/banig he he he.

Hayahay  lang ang buhay.





2 comments:

  1. na miss ko ang tupig at puto kalasiao ng Manaoag

    ReplyDelete
  2. Eto din yata yung natikman ko nung nag sto over ung bus sa may urdaneta

    ReplyDelete