Tuesday, August 12, 2014

Sarah's Putong Pulo


Nakilala ko ang isang entrepreneur na may kinalaman sa paggawa at pagtitinda ng Putong Pulo.

Siya ay si Sarah Jane Gatdula na may-ari ng Sarah’s Putong Pulo na may tindahan sa J.P. Rizal Street San Roque Marikina City.



Si Sarah , katuwang ang kaniyang mister at dalawang anak ang patuloy na nagpapalago ng kanilang negosyong Putong Pulo.

Ayon kay Sarah , mahigit 7 taon na silang engaged sa ganitong klase ng negosyo.

Ayon sa kaniya , ang Putong Pulo ay nagsimula sa Bulacan , partikular sa Pulo Bulacan.

Ito ay isang klase ng puto na maliliit o bite size at may topping na keso sa ibabaw.



Karaniwan itong kulay orange na medyo may pagka-brown.

Ito ay gawa mula sa arina at brown sugar na sinangkapan ng recipe na sila lamang ang nakakaalam.

Maliban sa original plain flavor nito ay gumagawa na din si Sarah ng ibang mga flavors and colors like Chocolate , Ube at Pandan. 



Bukod dito ay sinisiguro nila na laging bagong luto ang kanilang mga paninda na kanilang inilalako at inaalok sa kanilang mga parukyano na nagmumula pa sa iba't ibang dako ng bansa.

Samantala, ang shelf life ng bawat kanilang paninda ay inaabot ng tatlong araw.

Ang pagawaan ng mga ito ay sigurado ring malinis bukod pa sa kumpleto sa kinakailangang permit o sanitary requirements.

Ayon kay Sarah , sila ay nagsimula sa maliit na puhunan lamang na dalawang kilo. At sila lamang ang kumikilos nuon na mag-asawa.

Kapag natapos nang gawin ng kaniyang mister ang mga puto ay ilalako na niya ito sa nuo’y maliit na lamesa sa gilid ng kalsada malapit sa kanilang bahay.

Subalit sa paglipas ng panahon at patuloy na pagtitiyaga at pagsusumikap nila ay unti unti silang nakabangon mula dito.Patunay na mayruong asenso kung ikaw ay may sikap at tiyaga.

Sa ngayon ,sila ay mayruon nang sariling puwesto sa Marikina , pagawaan , bahay at ngayon ay nakakapag-patrabaho o empleyo pa sila ng hanggang 10 manggagawa para sa kanilang negosyong putong pulo.



Kumbaga sila ay isa na ngayong mga produktibong mamamayan ng kanilang bayan.

Marami na ang humahango ng kanilang mga paninda at ito ay inilalako naman sa ibat ibang sulok ng siyudad. Nagsu-supply din sila nito sa ibat ibang mga palengke katulad sa Marikina , Cainta at Antipolo.

Maging sa mga malls ay may mga nagtitinda at consignments na din sila.

Patunay na malayo na ang narating ng Putong Pulo ni Sarah.

Dahil nga sa angking sarap at lasa ng mga Putong Pulo ni Sarah ay nai-feature na ang kaniyang tindahan sa KrisTV nito lamang 2014 bilang isa sa mga bagong negosyo na sumisibol sa Marikina.

Gayundin sa Channel 23 bilang part ng isang television feature tungkol sa mga Filipino foods.

Bukod sa Putong Pulo ay nagtitinda rin ng iba pang mga klase ng kakanin ang ating bidang negosyante.

Kabilang na dito ang

Everlasting ( leche flan-shaped na embotido ) – 100.00



Pichi Pichi – 8 pieces for 50.00



Kutsinta – 26 pieces for 50.00




At iba pa katulad ng mga kesong puti , puto pao , biko , suman , Puto Binan , mallows at marami pang iba.


Kesong Puti 
Sitsirya 
sauces and mallows
Snack Chips
Puto Binan
Biko
Ayon kay Sarah , mayruon siyang mga Putong Pulo na per bilao ang presyo :

Big – 300.00 / 150 pieces

Medium – 200.00 / 100 pieces

Small- 100.00 / 50 pieces




Bukod pa diyan ay mayruon din silang mas maliliit na size package kung nais mo nang mas kaunti lamang.


Tumatanggap din ng wholesale o volume sale si Sarah at may discount lalo na kung maramihan.

Kaya siguradong mainam na business idea ito lalo na sa mga nais magpasimula ng kanilang bagong negosyo.

In the future ay may plano din sila na mag-venture into malls na paniguradong papatok sa mga pihikang mamimili.

Para sa iba pang impormasyon ay puwede mong kontakin si Sarah sa mga numerong ito 09212118187.

O kaya ay bisitahin ang kanilang puwesto sa J.P.Rizal Street Marikina City ilang metro lamang ang layo mula sa Marikina Shoe Museum.

O kontakin ang kapatid ni Sarah na si Mam Rowena Gatdula sa kaniyang Facebook page dito : zophialee@yahoo.com

Patunay ang Sarah’s Putong Pulo na may asenso kapag may pagsisikap.

Na anumang pangarap natin ay ating maaabot o makakamit kung sasangkapan ng sipag at tiyaga.

Sa katulad ni Mam Sarah Gatdula , isa siyang inspirasyon sa mga Pilipino.

Sapagkat , katotohanan nating masasabi – Walang mahirap , sa taong masikap .

Salamat kay Sarah at kaniyang pamilya sa pagpapaunlak sa panayam na ito at pagpapatuloy sa amin sa kaniyang puwesto  upang matalakay ang kaniyang inspiring na buhay negosyante.





More power and God bless us all !

No comments:

Post a Comment