TRAVELBOOK NOW!

Saturday, August 9, 2014

Puto Calasiao

Kapag ikaw ay nasa Pangasinan , ang isang pagkain na hindi mo palalagpasing tikman ay ang kanilang Puto Calasiao.

Ito ay nagmula siyempre sa bayan ng Calasiao at isa nga sa aking dinayo sa bayang ito kasabay ng aking work assignment.

Pinakapamosong gumagawa ng putong ito ay ang tindahan ni Bella.



Ang Puto Calasiao ay maliliit o bite size na mga puto na madaling matunaw sa iyong bibig.



At dahil nga bite size ito ay tiyak na mapapadami ang iyong pagngata ng masarap na kakaning ito mula sa Pangasinan.

Mayruon din silang ibat-ibang flavor nito katulad ng mangga, ube , banana , melon , cheese at marami pang iba.


Bagamat maliliit , sigurado ka namang masustansya bukod pa sa malasa ang kakaning ito.

Idgadag pa ang kaaya-ayang mga kulay nito na nagbibigay-saya sa bawat matang tumitingin at tumatakam sa delicacy na  ito ng mga Pangasinense.


Tunay ngang It's more deliciously fun in the Philippines.

1 comment:

  1. syemay na miss ko na ang ganitong klaseng kakanin...

    ReplyDelete