TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, August 26, 2014

Pancit Cabagan

Malalim ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa pansit .

Ewan ko ba pero hiram din lang naman natin ang pagkaing ito sa mga Intsik.

Masarap naman kasi.

At sabi nga nila pampahaba daw ng buhay.

Kaya sa mga handaan , paniguradong hindi mawawala sa hapag-kainan.

Kaya naman kung anu-ano nang uri ng pansit ang naimbento ng ating mga kababayan.

Halos lahat yata ng bayan sa Pilipinas ay may kani-kaniyang  bersyon nila ng luto ng pansit eh.

Nandiyan ang  Pansit Malabon , Pansit Lucban , Pansit Bataan , Pansit Bato , Pansit Sabaw , Pansit Luglog Pansit Molo at ang pinaka-latest na narinig ko from Ate Jessica Soho ay ang Pansit Bakla na mula daw sa Bocaue Bulacan ( hmmmm , ma-try nga iyan dahil para sa akin iyan he he he )

Isa rin ako sa mga haling na haling kung pansit din lang ang pag-uusapan.

Kahit yata araw-araw mo akong pakainin ng pansit ay hindi ako magsasawa.

At kung tungkol sa usaping pansit lang naman ay hindi pahuhuli ang mga taga-Norte o ang mga Ilokano.

May sarili din silang bersyon ng pansit.

At ito ay ang Pansit Cabagan na mula sa Cabagan , Isabela nagmula ( siyempre saan pa he he he )

May isa pa silang pansit at ito ay ang Pansit Batil-Patong pero saka na natin siya pag-usapan kapag natikman ko na he he .

Dahil sa project assignment ko sa Norte ay nagkaruon ako ng tsansa na makatikim ng authentic Pansit Cabagan from Isabela itself.

Ito ay sa karinderya ni Ate Nancy sa Isabela.


Nasa 50.00 hanggang 60.00 lang naman ang isang order kaya kering keri he he he .

Hindi pa naman ako mauubusan ng pamasahe pabalik ng Maynila kaya order na ako kay Ate Nancy.

At nang ihain na sa aking lamesa ang aking order na Pansit Cabagan , voila , ito pala ang kaniyang itsura.


Hmmm , mukhang masarap , tikman nga natin.

Tunay ka ate . masarap nga ang iyong Pansit cabagan .

Kaya naman pala ang daming kumakain sa iyong Pansitan eh .

Isa siyang basang pansit dahil may sabaw siya .

Parang lomi ang peg niya minus the egg na ihahalo sa kaniya.

At ang rekado ay chicharon , pork strips at quail egg at vegetables .

Kakaiba sa mga pansit na nakagiliwan na natin.

At ipinagmamalaki ng mga taga-Cabagan dahil likas na kanila talaga.

Sa susunod ay iyong Batil-Patong naman ang aking titikman na I am very sure ay papatungan ako ng sandamukal na kasarapan.

Sandali nga lang at baka Cabagan na ako sa dami ng nakakain ko nito.

Enjoy!



No comments:

Post a Comment