TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, August 27, 2014

Of Daniel Matsunaga and Boy Pakyu


Sa wakas at natapos na din ang ating Kay Tagal Kang Hinintay na teleserye dahil hinirang na ang kauna-unahang Pinoy Big Brother All-In Grand Winner sa katauhan ni Daniel Matsunaga ng Brazil .


Bagamat may sarili akong agam-agam dahil hindi naman tunay na Pinoy ang nanalo ( sige pa sila ng kanta sa background ng Pinoy Ako, Pinoy Tayo  ng Orange And Lemons  ) pero hindi naman pure Pinoy ang nagwagi huh.

Pero dahil may pralala ang mga nasa likod ng Bahay Ni Kuya na Pinoy by heart naman daw si Daniel cheverlin , sige sakyan na lang natin ang trip nila ha ha ha.

Sana lang ay hindi maging Daniel Maysungayna itong winner natin in the future at may I stay pa rin siya sa Pilipinas Kong Mahal at huwag iuwi sa Brazil ang mga milyones na napanalunan niya dito 'noh.

Baka naman after niyang makamkam ang mga prizes niya ay may I fly away home na siya sa kaniyang bansang sinilangang Brazil at kasabay na maglaho na rin ang kaniyang professed love for The Philippines and Filipinas  kuno na kaniyang  ipinangalandakan  a few days ago.

Agree naman ako sa announcement ng PBB sa mga winners dahil  very deserving ang Final Four na natira sa Bahay Ni Kuya like the fourth big placer na si Vickie Rushton , 3rd big placer na si Jane Oineza at 2nd big placer na si Maris Racal respectively.




At sino naman itong kupal na itong umagaw ng cry me a river moment ni Papa Daniel huh .



KSP iyan for sure .

Si Boy Pakyu.


Mamahalin mo ba ang ganiyang mga klase ng Pinoy , Daniel ha ha ha.
      

1 comment:

  1. haha. Napanood ko yan at super tawang tawa ako kay Boy Pakyu, panira ng moment. Anyway, I agree with you na parang ewan na Brazillian yung nanalo, though okay din naman si Daniel. Deep inside, team Jane ako e. Haha. Di kasi ako masyadong nanonood nun at sya lang yung pinakakilala ko. Yun. Realate lang ako. :)

    ReplyDelete