TRAVELBOOK NOW!

Sunday, August 31, 2014

Fatal Field Trip

Nakakalungkot ang sinapit ng pitong Tourism students ng Bulacan State University sa kanilang field trip na ginanap sa Madlum River sa Bulacan dahil trahedya ang  kanilang napala mula dito.

Namatay ang pitong mag-aaral sa kasagsagan ng kanilang field trip dahil sa flash flood na naganap sa ilog habang sila ay tumatawid dito.



At sa kasamaang palad ay kabilang sa namatay ang dating miyembro ng grupong EB Babe na si Maiko Bartolome at gayundin ang isa pa nilang kaklase na si Sean Rodney Alejo  na hinirang na bayani dahil nakapagsagip pa ng dalawa niyang mga kaklase bago siya ang mismong  nalunod dahil dito sa kaniyang isinagawang sakripisyo.

Maiko Bartolome
Sean Rodney Alejo
 Sadyang kagimbal-gimbal ang pangyayari dahil ang dapat sana ay fun and adventure-filled trip nilang ito sa Bulacan ay napalitan ng trahedya at kamatayan at nagdulot ng trauma at phobia para sa  mga nakaligtas na mga kaklase nila.

Kailan pa naging kapahamakan ang dulot ng isang field trip?

Hindi ba't kailan lang ay nagdulot din ng pighati sa pamilya niya ang kamatayan ng isang dalagita na nasagasaan ng isang truck habang dumadalo sa isang field trip sa Tanay Rizal?

Naalala ko tuloy ang field trip namin nuong ako ay nasa 3rd year high school sa Roosevelt Lamuan Marikina.

Bumabagyo din nuon nang aming idaos ang aming field trip sa isang  pool  sa Laguna.

Subalit napakainosente pa namin nuon at ang tanging nasa isip ay ang sayang dulot ng pagsasama-sama para sa isang field trip na hindi namin  inakala na delikado pala ang aming pagsamang iyon dahil talagang pag-uwi namin ay umiihip ang malakas na hangin at bumabagsak ang masaganang ulan sa aming bus habang aming binabagtas ang daan pauwi sa aming kani-kaniyang bahay.

Mabuti na lang at sa awa ng Poong Maykapal ay ligtas naman kaming nakarating sa aming mga tahanan.

Pag-uwi ko nga sa bahay ay agad akong tinanong ng aking ina kung bakit itinuloy pa nang aming eskuwelahan ang field trip gayong may bagyo pala nuong araw na iyon.

Isang matamis na ngiti lang ang aking isinagot sa kaniya.

Ngayon ko lang napag-isip isip kung gaano kadelikado pala ang aming isinagawang adventure field trip na iyon.

Ngunit hindi namin kasing-suwerte ang mga mag-aaral ngayon ng Bulacan State University na nasawi sa  nasabing insidente.

Ang akin lang , sana ay bumalangkas ang ating mga kinauukulan ng mga karampatang tuntunin at patakarang alinsunod sa maayos na pamamalakad ng isang field trip.

My condolence goes to those who died on this ill-fated field trip.

May you all  rest in peace.

Amen !



2 comments:

  1. Kawawa naman sila..isang dapat ay masayang event..naging tragic..

    Mahirap nga minsan unahin ang safety lalo na kung bata pa at excitement at saya ang naiisip

    ReplyDelete
  2. @ Zai ... I feel sorry for them .. gone too soon : (

    ReplyDelete