Friday, August 1, 2014

Congratulations Lyca Gairanod of The Voice Kids Philippines

Nang magsimula ang The Voice Kids Edition ng Channel 2 ay hindi ako naniwala dito initially.


It's because parang mahirap paniwalaan na may mga batang magagaling o mahuhusay umawit at makakaabot sa pihikang panlasa ng mga Pilipino.

Tila ba ang mas pinahahalagahan kasi ng mga bata at kabataan ngayon ay puro Facebook , Dating , Crushes , KathNiel at DOTA .

But then my insinuations proved me wrong.

Ang dami palang mga batang bulinggit pa lamang ay  talagang mahuhusay na sa craft ng singing o pagkanta and they are as young as 4 years old huh.

At dumaan ang araw na itatanghal na ang pinakamagagaling na mga batang mang-aawit.

Apat ang naging huling mga pambato ng tatlong natirang coaches na sina Sarah Geronimo , Lea Salonga at Bamboo Manalac.


Ito ay sina  Darlene Vibares ng Team Lea , Juan Karlos Labajo ng Team Kawayan at Darren Espanto at Lyca Gairanod ng Team Sarah.


At sa pag-usad ng Championship nitong nakaraang July 27,2014 ay itinanghal na first ever The Voice Kids Grand Champion si Lyca Gairanod ng Team Sarah na sinundan nina Darren Espanto , Juan Karlos Labajo at Darlene Vibares respectively.

Katulad ng paniniwala ng marami , I am sure and no doubt and  argue about it , mas lamang ang singing prowess and versatility ni Darren kaysa sa grand winner na si Lyca .

Mismo si Lyca siguro ay aminado rito.

But then the audiences text votes prevailed na alam naman nating lahat na ang mga maawain at maki-simpatiyang mga Pilipino karaniwan ay mas pumapabor sa mga underdog o iyong mga galing sa hirap at kasalatan knowing na ang back story  for Lyca ay ay isang mangangalakal ng basura .




Well , as they say , it's all water under the bridge.

The dust has settled.

And Lyca Gairanod emerged as the sole grand winner.


Who are we to argue with success coupled with a bit of luck.

Sana lang ay magamit nang maayos ng pamilya ni Lyca  ang premyong kanilang napanalunan dahil sa contest na ito .

It's a blessing from God above na iahon sila sa kahirapan.

Huwag lang sanang lumaki ang ulo ni Lyca and just stay in the ground level.

As for Darren, hindi man siya ang pinaboran ng masang Pilipino , I am sure that a stardom is waiting for him what with that great caliber of his voice plus his pulsating performance and charismatic looks.


May kalalagyan sa showbiz ang batang ito.

Sa lahat ng mga batang sumali , umasam at nangarap na makamit ang kanilang minimithing tagumpay , maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong talento sa pag-awit.

Huwag titigil sa pag-abot ng mga pangarap at manatiling nakatapak ang mga paa sa lupa nang patuloy na pagpalain ng Diyos.

Lahat kayo ay magagaling at mahuhusay in your own unique way.

At sa apat na natirang nakaabot sa finals, saludo ang pitak na ito sa inyong angking kagalingan.

Ipagpatuloy ang pangarap ng mga mahuhusay na batang lahing Pilipino.

Mabuhay kayo!



1 comment:

  1. Pareho tayo ng first impression sa The Voice. Bukod dun naisip kong, madami kaya manunuod nito, kasi mas ma appeal pag matatanda ang contestant.

    E mahilig nga pala ang mga Pinoy sa kantahan at contest kaya kahit bata, ayan okay naman pala.

    True nga mas versatile si Darren pero mas makamasa si Lyca - so congrats sa kanya :)

    ReplyDelete