TRAVELBOOK NOW!

Friday, August 29, 2014

ALS Ice Bucket Challenge

Aba at dumadami ang nakikiuso at sumasakay dito sa ALS Ice Bucket Challenge huh .



At hindi lang basta mga personalidad ang nakiki-ride on bagkus ay mga powerful and influential personalities all over the world ang sumasabak sa challenge na ito.


Ang ALS Ice Bucket Challenge ay ang pagpatol sa pagsubok na ito kung saan ang isang challenger ay bubuhusan ng isang timbang tubig na punong puno ng malalamig at naninigas na yelo sa buong katawan niya.


For sure ay napakalamig ng tubig na bubuhos sa iyo once na inaccept mo ang challenge na ito.






Kapag nagawa mo ang challenge ay obligado ka na mag-donate ng 10 dollars para sa institusyong nangangalaga sa may mga ALS.


Ngunit kapag hindi mo nagawa ang challenge ay humanda ka dahil kailangan mo namang maglabas ng utaw na  nagkakahalaga naman ng 100 dollars.


Kapag nagawa mo ang challenge ay puwede ka na ngayong mag-nominate o humamon sa ibang tatlong personalities na gagawin din ang challenge na ginawa mo .




Hanggang sa lumawak na nang lumawak ang network of challengers na gumagawa nito.


Ilan sa mga sikat na personalidad na gumawa na nito ay  no less than Ex-US President George Bush, Britney Spears , Bill Gates , Oprah Winfrey at Steven Spielberg  at dito naman sa atin ay sina Kris Aquino , Vice Ganda , Noli De Castro , Korina Sanchez at marami pang iba.




Marami ding mga Ice Bucket Fail na lumalabas sa video ngayon na nagpapakita ng mga palpak na challenges.


Ayon sa Wikipedia , ang ALS o Amyotrophic Lateral Sclerosis o mas kilala sa tawag na Lou Gehrig's Disease,
 is a neurodegenerative disease with various causes. It is characterised by muscle spasticity, rapidly progressive weakness due to muscle atrophy, and difficulty in speaking (dysarthria), swallowing (dysphagia), and breathing (dyspnea). ALS is the most common of the five motor neuron diseases.

Dagdag pa ng Wikipedia , " In the U.S., more than 5,600 are diagnosed every year, and up to 30,000 are currently affected. ALS is responsible for 2 deaths per 100,000 every year.

Median survival time from onset to death is 39 months, and only 4% survive longer than 10 years, although rare cases survive 50 years or more. Most die from respiratory failure, usually within three to five years from onset of symptoms."

Subalit  salamat dahil sa awareness na itong na-generate ng ALS Ice Bucket Challenge ay 

marami na ang nakaaalam na may ganito palang uri ng sakit .



Ako ,gusto ko sanang mag-donate dito kaso wala namang nagde-dare at nagcha-challenge sa  

akin he he he.


So ,hayaan na lang natin sa kanilang mga sikat ang pakulong ito .



Heto ang ilan sa mga video:










Heto naman ang mga epic failed videos:



No comments:

Post a Comment