TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 11, 2014

Who Wants To Be A Millionaire ? audition

Last month of June ay nag-announce ng audition ang pamunuan ng Who Wants To Be A Millionaire? game show ng TV 5.

At siyempre isa ako sa mga libu-libong tumugon sa nasabing panawagan.

Papahuli pa ba ako eh , beterano na ako ng game show na ito bilang dalawang beses na akong nakasali sa circle of 10 nito , yun nga lang hindi pa rin nakakaupo sa hotseat he he.

Ginanap ang audition sa Fairveiw Terraces Mall ng Ayala Corporation diyan sa Fairview Quezon City.



Aba at nagpapabonggahan ang mga mall sa panig na ito ng Lungsod dahil tatlong malalaking mall ang magkakatabi dito katulad ng SM City Fairview , Robinsons Nova Market  at ito ngang Fairview Terraces.

Pabonggahan lang sila huh.

Pagdating ko ng alas-onse ng tanghali ay mahaba na ang pila . 




Imagine ang ibinigay na number sa akin ay K14 . Parang canine dog lang ang peg ko . Ibig sabihin ay pang letter K na ako huh.


Hindi bale , willing naman akong maghintay for my turn . Tambay muna ako sa mall ng mga Ayala.





And then my turn came for me to try the audition.

Bale may 15 random questions at ang sampung may pinakamataas at pinakamabilis na tamang scores ay pasok sa next round of audition.

And the questions came like a sudden  storm of lightning . Hindi ako nakapaghanda . Para akong binulaga ng mga tanong na wala sa aking kamalayan at memory cells. Sign of aging na ba he he he.

Ang ending , bagsak at hindi pasok sa next round of audition.

Nganga ang lola n'yo ha ha ha.



Hindi bale , hindi tuluyang sad ang lola n'yo dahil invited naman ako sa kanilang future taping sa kanilang studio as one of the audience.

Oh di ba .

Malay n'yo makapagpa-picture pa ako kay Bossing Vic Sotto.

Winner pa rin 'teh.

See you soon , Who Wants To Be A Millionaire? team .

Salamat sa invite : )

No comments:

Post a Comment