Sunday, July 13, 2014

Pansit Lukban and Calzone Pie

Sa aking pagdako sa Lungsod ng Lucena sa Quezon , isa rin sa aking tinikman ay ang kanilang pamoso at ipinagmamalaking  Pansit Lukban .



Ito ay isang klase ng luto ng pansit na tanging sa Lukban lamang makikita.

Ang kakaiba sa pansit na ito ay nilalagyan ito ng suka.

At talaga namang malinamnam dahil sa kakaibang klase ng pagluto nito at idagdag pa ang suka na nagbibigay ng kakaibang lasa at linamnam sa lutuing ito.

At ang isa pa ay ang Calzone Pie na dito ko unang natikman .



Ayon sa crew ng Koffee Klatch Dealo ay grounded beef ang palaman  ng pagkaing ito na parang empanada.



At mayruon pa itong sauce na hitsurang spaghetti sauce.

Hmmm , food trip nga naman kapag napapadako ka sa ibang mga lugar at probinsya.

Until next visit.

3 comments:

  1. Ang sasarap ng mga fudangs na fini-feature mo ateng. Lurve it!

    ReplyDelete
  2. thank you Anon. Beki ... masarap nga ano he he he

    ReplyDelete
  3. nice to hear you enjoyed pancit lukban.. however, the more authentic one is the one you buy from the sidewalk vendors/stalls.. usually, wala itong masyadong rekado/sahog pero malasa, and that is the real test of pancit lukban..

    ReplyDelete