Tuesday, July 22, 2014

Malaysian Airlines Flight 17 and Flight 370

Nakakalungkot naman itong balitang bumulaga sa World news headline na isang eroplano ( na naman ??!! ) ng Malaysia , ang Malaysian Airlines Flight 17  , na galing sa Amsterdam The Netherlands at patungong Kuala Lumpur Malaysia ay pinabagsak ng mga terorista mula sa ere na sakop ng bansang Ukraine .



Sakay nito ang 298 na pasahero at cabin crew na lahat ay pawang namatay.

At ang mas nakakalungkot ay may mga Pinoy na nadamay sa trahedya at pananabotaheng ito.

Ito ay ang mag-iinang Gunawan ( Irene Pabellon , Sherryl Shania at Darryl Dwight )


Tila ba inaalat ang mga Malaysian Airlines nitong mga nakaraang araw dahil kamakailan lamang ay 'di ba't nasangkot naman sa isang misteryosong pagkawala ang isa pa nilang eroplano ( Malaysian Airlines Flight 370 ) nito lamang buwan ng Marso na sukat ay nawala sa papawirin at magpahanggang-ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang tunay na nangyari sa flight na ito at sa mga sakay nitong pasahero na humigit kumulang 300 din .

Biruin mo nga namang pati na pala ang paglipad sa eroplano ay hindi na rin safe ngayon dahil sa mga bantang ito ng terorismo.

Wala kang kamalay-malay at prenteng prente ka lang na nakaupo sa iyong assigned seat sa airlines na ito ay bigla kang sasalpukin ng isang surface-to-air missile na tiyak magpapalasog-lasog sa iyong katawan.

Iba na talaga ang panahon ngayon.

Pati ang mga walang kalaban-laban at tahimik na mga sibilyan ay nadadamay at inaasinta o tinatarget na rin ng mga walang puso at walang kaluluwang mga teroristang iyan.

Lubos na nakikiramay ang espasyong ito sa mga naulila ng mga namatay dahil sa trahedyang ito ng Malaysian Airlines Flight 17.

Nawa ay makamit nila ang hustisya sa pangyayaring ito na labis na ikinalungkot ng mga taong nagmamahal at may  pagpapahalaga pa rin sa buhay ng mga kapwa nila tao.



1 comment:

  1. Sana magka hustisya ang pagka matay ng mga biktima.

    At sana last na to na itong ganitong pangyayari, hindi lamang sa Malaysian Airlines kundi para sa lahat ng airlines.

    ReplyDelete