TRAVELBOOK NOW!

Monday, July 7, 2014

Kambal Pandesal

Binisita namin ng kaibigang si Rommel Garces ang showroom ng Kambal Pandesal sa Annapolis Street in Greenhills San Juan City .


We were greeted and met by Mam Abby Alcaide and informed us of how Kambal Pandesal is working.



Ang Kambal Pandesal ay joint project partnership between San Miguel Foods Corportion and  Filtrepreneur Incorporation.

Nuong una ang akala ko kaya Kambal Pandesal ang pangalan ng bakery na ito ay dahil sa kambal ang may-ari nito.

Mali pala ako.

Maling-mali.

Dahil ang totoo , ito ay galing sa kanilang pandesal na tila kambal dahil may hati ito sa gitna.


Conjoined twins lang ang peg ng pandesal na ito he he.

Ayon kay Mam Abby , nagpapa-franchise ang Kambal Pandesal bakery sa halagang 350,000.00

For more information , pindot lang here : Kambal Pandesal business package

Natikman ko ang kanilang Pan De Keso at Pan De Kape at in fairness ay masarap siya.


Swak na swak pang-meryenda o kaya naman ay almusal sa malamig na umaga katerno ng mainit na kape o tsokolate.

Bukod dito ay nasa listahan rin ng kanilang mga bestseller ang walang kamatayang mga Pan De Hotdog , Pan De Espana , Pan De Coco at ang Ensaymada.





Ayon pa rin kay Mam Abby , fresh na fresh at mainit-init pa ang mga tinapay at pandesal na gawa sa Kambal Pandesal dahil ito ay minamasa at bine-bake on the spot , o sa madaling salita mismong sa tindahan ito ginagawa ng kanilang sariling mga mahuhusay na  panadero.

Kaya makakaasa ka na bagong gawa ang mga tinapay na ihahain sa iyo.

Kung interesado ka kung paano mag-nenegosyo ng Kambal Pandesal bilang iyong sariling puwesto , mayruon silang orientation/seminar tuwing Sabado at ginaganap sa Annapolis Street Greenhills San Juan City.

For more details pa rin , click mo ito Kambal Pandesal official website

Or you can simply message or make a comment here para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kambal Pandesal.

Smile : )




No comments:

Post a Comment