Thursday, July 24, 2014

Jolou Relaxation Massage

Nang matapos ang pananalasa ng Bagyong Glenda dito sa Rizal , dahil sa hapo ang aming mga katawan mula sa halos maghapong paglilinis sa mga iniwang kalat ng bagyo , napagpasyahan naming magkakaibigan nila Fred at Rommel na  magpamasahe.

Bilang may malapit lang naman sa amin sa Masinag Antipolo na alam kong massage parlor ay dito na kami pumunta .

Ito ay ang Jolou Relaxation Massage center.



Hitsurang halos kababalik pa lamang ng kuryente nuon at hindi pa ganap na nakakabangon ang Rizal sa lugmok na pagbayo ng Bagyong Glenda ay heto na kami at nakapila para magpamasahe sa kanila.




Aming in-avail ang kanilang Signature Massage whole body for 1 hour .

At ang aking naging attendant ay si Weng.

Banayad at swabe ang hagod ni Weng sa aking pagal na katawan.

Tama lang para ako ay ma-relax.

Ang maganda rito ay ang mixture na ipinapahid nila sa iyong katawan na hindi oily at greasy hindi katulad ng ibang oil.

At matapos ang 1 hour session ay lumabas kaming feeling rejuvenated dahil sa husay ng kanilang massage services.



Lalo na ang Fred na lumabas na todo ang ngiti sa labi  dahil nag-enjoy daw siya sa kakatsika sa kaniyang masahistang si kuya.


Ang daming tanong ng lukaret sa relihiyosong si kuya.

Kalokah.

Nope , don't misinterpret me dahil wholesome po ang massage center na ito.

Mga born-again kasi ang may-ari nito na sina Jo at Lou .

Wala ditong after-massage service na siyang hinahanap ng iba .

Kaya kung ang type mo ay ang extra service after ng massage session , sorry ka , dahil hindi ito ang lugar para sa iyo.

Pumunta ka sa Quezon Avenue o Kamuning at marami duon he he he.

Pero kung type ninyo ang wholesome approach , relaxed ambiance at well-trained therapist dito ka na sa Jolou Relaxation Massage.

Diyan lang sila sa tapat ng Jollibee  sa Masinag Antipolo City.

Kaya nga kaming magkakaibigan ay siguradong babalik ulit dito para magpamasahe for sure.

Di po ba Sir and Mam Jolou ?

Enjoy !

No comments:

Post a Comment