Thursday, July 10, 2014

Jade and Jillian's House of Pies

Nang minsang mapadako ako para sa isang project assignment sa SM Lucena City ay napako ang tingin ko sa kakaibang delicacy store na ito .


Ito ay ang Jade and Jillian's House of Pies na nasa second floor ng nasabing mall.


Ayon sa mabait na crew , ang main store nila ay nasa Candelaria Quezon Province at bale first branch nila itong nasa SM Lucena.

Ang kanilang ino-offer ay ibat ibang flavor ng pie na talaga namang napakasarap.


Hindi nga ako nakatiis at umorder ako ng dalawang boxes bilang pasalubong sa aking mga loved ones.



At umorder din ako ng slices para tikman .



At hindi nga ako nagkamali dahil kung sa tingin pa lang ay malinamnam na , lalo na kapag nalasahan mo at natikman na .

Ibang klase talaga.

Bale walong klase ng flavor ang bestseller nila.

At ito ay ang mga flavors na Buko , Mango , Apple , Pineapple , Peach Mango , Ube Macapuno , Chocolate at Strawberry.

Sa lahat ay pinakamasarap ang mango pie at siyang pinaka-topseller ayon sa crew.

I hope to meet the owner which is Mam Cynthia I. Magadia someday soon to interview her with regards to her pioneering business which I know will click dahil talaga namang masarap and affrodable pa ang prices.

We will schedule the meeting at babalitaan ko kayo sa mga mangyayari at magaganap.

Sa ngayon ay wala pa silang branches sa Maynila but what I heard is nasa planning stage na nila ito.

Thank you sa bagong discovery food trip na ito.

Truly it's a "  delightful treat from the heart ".

And bibisitahin ko po kayo one of this days  for a much more chika moment fun with you : )



5 comments:

  1. mapuntahan nga yan malapitlang kame sa padre burgos

    Annie Llorente

    ReplyDelete
  2. Mary Joy Briones LopezJuly 9, 2014 at 10:52 PM

    wow kuya ha , dami mo nang napupuntahan ha .... mis you

    ReplyDelete
  3. MASARAP NGA SANA MAGKAROON SILA NG BRANCH DITO SA MANILA

    ReplyDelete
  4. @Anonymous wala po silang branch sa Maynila eh exclusive lang yan para sa mga taga Quezon : )

    ReplyDelete