Saturday, July 26, 2014

Eden's Pastillas

Isa sa na-discover kong masarap na pang-himagas ay itong mga pastillas na ibinebenta ni Ate Eden ng Eden's Pastillas sa Cavite.

Sa aking patuloy na paglalakwatsa/trabaho  sa ibat ibang panig ng Luzon ay nadiskubre ko ang ibat-ibang flavors, sizes and colors ng pastillas na ibinebenta ng Eden's Pastillas foodcart sa mall ng SM sa Dasmarinas at Rosario sa Cavite.

Ayon sa salesclerk ay dalawa pa lang branches ng pastillas ni Ate Eden.


Subalit huwag malungkot dahil may mga idadagdag pa silang branches katulad sa Bacoor dahil tunay namang tinatangkilik at unti unti nang nakikilala ang mga pastillas ni Ate Eden.

Ang pastillas kasi ni Ate Eden ay tama lang ang timpla , hindi masyadong matamis , hindi rin naman matabang.

Kumbaga ,swak sa iyong panlasa at hahanap-hanapin mo talaga ang sarap nito bilang dessert.

Bukod pa dito ay may ibat ibang designs , shapes and colors ka namang mapagpipilian na sasakto sa pihikan mong panlasa.




Sa darating na mga araw , ayon kay Ate Eden ay iimibitahan niya ako upang siya ay makapanayam ng personal at maibahagi ang kaniyang mga nalalaman tungkol sa pastillas na kaniyang negosyo kaya abangan po ninyo ito.

In the meanwhile , kung kayo ay mapapadaan sa Cavite , huwag ninyong kalilimutan ang Eden's Pastillas sa mga carts nito sa SM Dasmarinas at SM Rosario at siguradong babalik-balikan ninyo ito sa sarap at linamnam nito.




Bisitahin mo  ang kanilang official Facebook page for more information :

Eden's Pastillas

1 comment:

  1. Ang cute naman ng pastillas, kakaiba ang presentation di gaya ng mga nakasanayan na. Aling Eden, mag tayo din kayo ng branch malapit sa Antipolo haha :)

    ReplyDelete