Tuesday, July 29, 2014

Daddy's Toasted Siopao

Kung ang Bicol, Southern Luzon at maging dito sa Metro Manila ay pinipilahan ang 3N Toasted Siopao ng Libmanan Camarines Sur  , ang mga taga-Cavite naman pala ay mayruon ding ipinagmamalaking sariling bersyon nila ng toasted siopao.

Ito ay ang Daddy's Toasted Siopao.


At ito ang kanilang pinipilahan dito.

Nang mapadako ako sa Cavite minsan ay ito ang aking nadiskubre.


Ang Pork at Chicken flavor ng kanilang Daddy's Toasted Siopao.


At saan ka pa dahil 8.00 lang ang presyo niya .

Mura na masarap pa huh !

Mainit at fresh na fresh from the oven ang kanilang mga toasted siopao kaya sigurado kang lagi itong bago.


At isa ko pang napansin  ay mas malambot ang bun na ginagamit dito kumpara sa ibang toasted siopao na mas matigas.

Halos lahat yata ng kanto sa Cavite ay may branch ng Daddy's Toasted Siopao na ito.

Patunay lamang na tinatangkilik ang produktong ito kaya't nagsulputan sa ibat-ibang panig ng Cavite.


At meron din silang mga nagbebenta sa loob ng bus huh.

I will soon meet its owners and interview them kaya siguradong  mas mahaba pang istorya ang inyong matutunghayan dito tungkol sa pride of Cavite na Daddy's Toasted Siopao.

Abangan lahat iyan dito sa Daily B.I.T.E.S.

In the meanwhile sa mga interesado for mor information about Daddy's Toasted Siopao , bisitahin ang kanilang Facebook page dito :

Daddy'sToasted Siopao

More story about Daddy's Toasted Siopao soon .

No comments:

Post a Comment