TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, July 2, 2014

Azenith Briones and Leonardo Caranto Junior's Wedding Day

Last June 27 ay ikinasal ang bunso sa apat na magkakapatid na mga anak ng Tiyuhin at Tiyahin kong sina Tiyo Alfredo Victorino Briones Senior at Auntie Nelia Pron Briones sa Peacemakers Church in Karangalan Village Cainta, Rizal.

It was a Christian Wedding.

The bride is my cousin Azenith Pron Briones.

And her groom is Leonardo De Pedro Caranto Junior.

I just remember, nuong isang youth retreat namin nuon sa isang malayong bayan sa Tarlac at habang nagha-hike kami sa isang waterfalls :

Biglang lulundag sa isang malalim na bahagi ng sapa si Babae.

At maya-maya lamang ay nakasunod na si Lalaki.

Tapos, silang dalawa lamang ay malayang magtatampisaw , magsasabuyan , magbabasaan ,maghaharutan , maglalaro at maliligo sa malinaw at malalim na bahagi ng sapang iyon.

Bulilit pa sila nuon.

Mga batang ang tanging alam ay maglaro at magbabad sa  tubig.

Ang bilis na lumipas ng panahon.

Parang kailan lang.

Ngayon , sila pala ang magkakatuluyan.

Akalain mo.

Ang alam ko , ay first boyfriend and girlfriend nila ang isa't isa and never na silang naghiwalay hanggang sa ikasal na nga sila this month and  year.

How inspiring.

To the two of  you , my best wishes :








1 comment:

  1. Kungrachuleyshons sa kanila.
    Ang ganda ng kanilang love story. Nakakainggit.

    ReplyDelete