Tuesday, July 15, 2014

Ate Vi's wrong spelling note

Isa pang naging natinonal issue na yata dahil sa mga social netizens na dalahira.

Na tila ba uunlad at yayaman na ang mga squatter sa Payatas kapag pinag-usapannatin ito huh.

Ang wrong-spelling/grammar kuda ni Governor Vilma Santos sa ipinadalang thank-you note kay Ms. Kris Aquino.


Ang Kristeta naman ay post kete post agad sa Instagram ng nasabing note not realizing na  puwedeng pagpiyestahan ng mga walang magawa ang nasabing note.

At sumunod ay ang palitan ng text messages apologizing to each other.


But the damage has been said and done, no amount of apology can mend the broken heart.

Broken heart daw oh , ano ba 'yun ha ha ha ha.

At umekstra pa ang Ai Ai Delas Alas sa pagtatanggol kuno sa mga bashers daw ni Ate Vi.


At nadamay na daw ang mga anak niya sa mga bashing.

Eh kung hind ka ba naman lukaret eh sasawsaw ka sa sawsawan eh ayaw mong mamantsahan ng toyo o suka o bagoong man 'yan na sawsawang sinawsawan  mo.

Natural sumawsaw ka sa isyu kaya dapat ready ka ding madumihan ang kamay mo di ba?

At naging isa na naman issue ito na hindi na dapat sanang pinapatulan.

Nagsanga-sanga na ang issue.

Na nag-umpisa lang dahil sa isang thank-you note.

Pesteng note kasi iyan , nagpapapansin he he he.

At tagumpay ang pagpapapansin ni Thank-you note huh , dahil national issue na siya ha ha ha.

Para sa akin it's a non-issue naman dahil lahat naman tayo ay nagkakamali .

Nobody's parfect di ba ?

Ay mali ang spelling ko , erase erase erase.

I mean nobody is perfect .

O hayan , tama ba ang grammar ko.

Ang hirap kasi sa iba , perfecter  at smarter than thou ang drama nila.

Ay merun bang salitang " perfecter " ?

Baka ma-bash ako dito he he he.

Ay hindi namam pala ako sikat kaya siguradong walang mamba-bash sa akin hehe he.

Oh well , sabi nga , if you can't beat 'em , join 'em .

Laugh na lang tayo sa kanilang mga circos.

I mean circus.

1 comment:

  1. hahaha lesson na yan. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh dapat natin pagtakpan ang kahinaan ng kaibigan pero kung talagang kaibigan ka alam mo kung paano sya hindi mapapahiya sa ibang tao...

    ReplyDelete