Saturday, July 12, 2014

3N Toasted Siopao

Nagkaruon ako ng pambihirang pagkakataon na mabisita ang isang sangay ng 3N Toasted Siopao sa EDSA Cubao Quezon City .


Na-meet ko ang Senior Cashier/Supervisor ng branch na si Ms. Maricor Quinante. Sabi niya ay mahigit isang taon na rin siyang naninilbihan sa nasabing sangay ng 3N Toasted Siopao.


Ang 3N Toasted Siopao ay unang itinayo nuong 1993 sa Libmanan Camarines Sur.

Taal na taga-Bicol ang mga nagpasimula ng negosyong ito. 


Mula sa Libmanan Camarines Sur Bicol ay unti unting kumalat ang tindahan nila hanggang sa makilala na ito sa buong kapuluan at tinangkilik ng maraming parukyano maging dito sa Metro Manila.

Naglipana na nga ang kanilang maraming sangay sa buong Pilipinas at maging sa Metro Manila ay marami na rin ang kanilang naitayong mga branches nito.

Ang 3N Toasted Siopao ay ipinangalan mula sa tatlong lalaking anak ng mga may-ari. Kaya 3N ang pangalan niya.

Ang kanilang pinaka-bestseller at talagang tinatangkilik na produkto ay ang pamosong Toasted Siopao na sa ngayon ay nagkakahalaga lamang ng 9.00 kada piraso.


Ang Toasted Siopao ay kakaiba sa nakahiligan nating siopao dahil imbes na yung normal na dough ang gamitin ay inilalagay ang palaman nito sa isang tinapay na mistulang monay ang hugis o porma at saka ilalagay sa hurno upang mai-bake.

Ang resulta isang masarap na masarap na Toasted Siopao na milyun milyon na ang nakatikim at patuloy na tinatangkilik magpahanggang sa ngayon.


Ang nasabing palamang asado filling ay idine-deliver straight from their Bicol panaderya patungo sa ibat ibang sangay nila sa buong Pilipinas kaya makakaasa kang ito ay laging fresh na inilalagay sa kanilang minasang mga tinapay.

Ang sikreto sa nasabing asado filling ay recipe pa ng mag-asawang Santa Maria  na tanging sila lamang ang nakakaalam. Nilalahukan pa ito ng nilagang itlog upang mas lalong maging malasa ang texture ng nasabing pagkain.

Kung nais mo naman ay ang original na dough ng siopao ay huwag kang mag-alala dahil mayruon din silang steamed siopao na nakalagay sa iyong paboritong mas malambot na siopao dough.

Nagkakahalaga naman ito ng 12.00 kada piraso.

Samantala ay mayruon silang in-introduce na bagong recipe ng  kanilang Toasted Siopao . 

Ito ay ang Oragon Siopao.


Kung gusto mo ng mas maanghang o spicy na flavor para sa iyong Toasted Siopao , ito ang orderin mo. Ang presyo nito ay 12.00 din  kada piraso.

Ang ibig sabihin ng Oragon sa salitang Bicol ay magaling o mahusay.

Tulad ko na isa ding Oragon na Bikolano.

FYI , ang aking ama at kaniyang mga kapamilya, partikular ang  aking mga lolo at lola ay nagmula sa bayan ng Sipocot Camarines Sur samantalang ang iba pa ay nagmula naman sa Lungsod ng Naga at sa bayan ng Calabanga at Milaor sa Camarines Sur pa rin. May mga kamag-anak din ako na nakatira diyan sa mismong bayan na pinagmulan ng Toasted Siopao. Ito ay ang mga Victorino at Briones Family diyan sa Libmanan Camarines Sur pa rin.

Kaya naman pamilyar na din ang inyong lingkod sa bahaging iyan ng Bicol Region. Kaya naman true blue relate  tayo sa mga kapwa Bikolano people ng 3N Toasted Siopao  J

Sa sobrang famous ng Toasted Siopao ng 3N ay nai-feature na sila sa mga TV shows like Rated K ni Mam Korina Sanchez at Kapuso Mo Jessica Soho ng no other than the Madam of GMA Channel 7 na si Mam Jessica Soho no less.

Kaya naman talagang at par at siguradong the best ang store na ito bilang isang booming bakery food business.

Huwag ninyong ipagkamali dahil hindi lang naman puro Toasted Siopao ang mga paninda nila. Dahil nga isa itong bakery ,marami din ditong ibat ibang klase ng tinapay na hindi pahuhuli ang quality at lasa sa mga kilalang panaderya dito sa Pilipinas.

Lubos akong nagpapasalamat sa buong staffs and crews ng 3N Toasted Siopao Cubao Branch dahil sa kanilang mabuting pagtanggap sa aking pagbisita sa kanila.



Salamat din sa pabaong isang box ng 3N Toasted Siopao : )


Siyanga pala , kung  gusto ninyo ng isang buong box ng kanilang malinamnam na  Toasted Siopao ay mayruon silang 10 pieces per box na nagkakahalaga lamang ng 97.00 , samantalang ang 30 pieces  per box ay nagkakahalaga naman ng 285.00 per box.

Para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa 3N Toasted Siopao ay bisitahin ang kanilang Facebook Page dito: 3N Toasted Siopao

Muli ay ang aking taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng 3N Toasted Siopao sa pagtanggap sa aking pagbisita.

Truly , 3N Toasted Siopao is Bicol’s Best and Bicol’s Finest.

Hanggang sa uulitin.

Dios Mabalos.

Salamat sa indo gabos.

Proud to be a Bicolano here .  

4 comments:

  1. Bicolano ka pala Teh Edgar, ako din as in 100% at sa Bicol me nakatira, yung probinsiyang may perfect cone na volcano. Marunong ka po bang mag-Bicol? Nakakatuwa naman.

    By the way, super like ko rin ang toasted siopao. Akshuwali, di ko talaga peyborit yung steamed siopao ever (choosy?). Di ko bet lasa nun. Pero yung toasted sipoao owemgeeh... super like ko ang lasa. Mas nakakabusog. Yung palaman ay aakalain mong ulam sa sobrang sulit. Genius talaga ang naisip nila. At bilang Bicolano eh super proud ako (shrimpre pati ikaw) na tinatangkilik ng mga masa ang ipinagmamalaki nating siopao. Yung may sili di ko pa na-try yon at balak ko next time.
    Sa kabilang banda, paki-visit mo din po ang blog ko pag may time. Tenkyu!

    anonymousbeki.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Sana dito rin sa Davao mag pagawa sila ng branch :D

    ReplyDelete
  3. @ Anon. Beki - glad to know that you are a fellow Bikolano ... thanks for always reading my blog .... followed your blog too

    ReplyDelete
  4. @ Hello Lysa ... you can message them in their Facebook account para malaman nila ang concern mo : )

    ReplyDelete