TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 12, 2014

Puregold Aling Puring Convention 2014

Dahil isa kaming certified member ng Puregold chain of Supermarkets, invited kami sa Aling Puring Convention na ginanap sa World Trade 
Center sa Roxas Boulevard Manila.

Jampacked ang tao sa loob ng WTC nang ako ay bumisita.

Halos hindi mahulugang-perdible.


Bago ako makapasok ay registration muna sa counter at saka ako binigyan ng member tag na ito.


Ang daming taong namimili at nakikisaya sa taunang pagdiriwang na ito ng Puregold.

At bago ako mamili ng super-mura at abot kayang mga paninda ay nanuod muna ako ng mini-concert tampok ang bandang Aegis na todo ang swak na swak na birit performance.


Ang munting show ay hosted by Iya Villania at Drew Arellano na kuwela sa kanilang mga pakulo.



Bukod sa concert stage ay marami ding ibat ibang mga pakulo at pa-raffle ang ibang mga stalls ng  mga products and sponsors.

At siyempre hindi mawawala ang mga freebies tulad nito.


Halos mahilo ako sa dami ng tao , produkto at mga kawili-wiling tanawin ang aking nasaksihan sa event na ito.

At ang pinakamaganda ay ito:

Ang credit card offer sa pakikipagtulungan ng Globe , BPI Banko at ng Puregold.

Dito ay puwede ka nang makapamili sa Puregold kahit na wala kang pera depende sa credit limit na ibibigay sa iyo.

O debah naman at magandang balita para sa isang certified  Puregold shopper na tulad ko.

Next year ay siguradong nandito na naman ako and I’m sure mas mabigat ang kanilang mga pakulo at pasabog para sa kanilang mga suking mamimili.

Thank you Puregold for making this year a memorable anniversary event.

Til next year.


















No comments:

Post a Comment