TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, June 3, 2014

Adobo Connection

Pinasyalan ko ang isang sangay ng Adobo Connection sa Isetann Mall sa Recto Manila.

Sa pag-aasikaso ng kanilang butihing Store Manager na si Mam Hayne Jayne Estibar aming nilasahan ang kakaibang version ng Pambansang Pagkain ng Pilipinas , walang iba kundi ang Adobo.


Ito ay ang Cheesy Mixed Pork and Chicken Adobo na binudburan ng keso sa ibabaw ng karne. With chicharon on the side.





In fairness ay may kakaibang guhit sa aking panlasa ang ganitong klase ng timplada huh.

Idagdag pa ang malinamnam na sarsa na may kakaibang sangkap para sa isang adobo.

Ganuon din ang kanilang lumpia with kangkong on the side.




At ang aking inumin na Iced Tea ay champion bilang pamatid-uhaw sa aking nanunuyong lalamunan.


Isa ang Adobo Connection sa may pinakamasarap na timplada ng adobo sa buong Pilipinas.

Siguradong babalik-balikan at hahanap-hanapin mo ang sarap ng Adobo sa kainang ito.

Totoong may Adobo Connection mula sa pagkain patungo sa sikmura ng kanilang mga kostumer at mga parukyanong patuloy na tumatangkilik sa kanila.

Kung type mong magpa-deliver at duon mo lantakan sa iyong bahay ang linamnam at sarap ng iyong kakaibang Adobo Connection, just dial this number , ngayon na , dali.

 At like mo na rin ang kanilang Facebook page dito Adobo Connection     para tuloy tuloy ang koneksyon mo sa masarap na putaheng adobo.

Maraming salamat sa staffs and crews ng Adobo Connection sa Isetann Recto Manila sa pag-welcome sa amin ng aking kaibigan.

Tunay na babalikan at uulitin namin ang sarap experience with Adobo Connection.

Mabuhay po kayo.





2 comments:

  1. dapat matikman ko din to one day or try kung lutuin with cheese and chicharon:)

    ReplyDelete
  2. Go Ms. Joy .. sugod na sa Adobo Connection : )

    ReplyDelete