TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 10, 2014

X-MEN: Days of Future Past

Malapit nang ipalabas ang pinakaaabangan kong pelikula para sa taong ito ang X-Men: Days Of Future Past.

At hindi lang ako ang nag-aabang nito for sure, siyempre kundi ang buong sangkamunduhan.

Paano ba namang hindi ay relate na relate ang nakararami na sa labanan ng mga X-Men outcast na labis na kinatatakutan  at pinangingilagan ng ibang mga " mas normal " na tao dahil sa kanilang kakaibang anyo at taglay na  kapangyarihan subalit sa katotohanan ay mga mabubuti at magandang mga nilalang pala na dapat papurihan .

I have been following this cult movie series since its first installment na ang magaling na direktor na si Bryan Singer ang nagdirek , at dito sa bagong installment na ito ay muli siyang nagbabalik bilang direktor nito.

I am sure umaatikabo na naman ito sa suspense , drama at siyempre action fight scenes.

Sa mga characters na nandito ay pinakapaborito ko ang shapeshifting power or ability ni Mystique . Bongga na nagagaya at naihahawig niya ang itsura at anyo niya sa ibang mga tao o mutants na gusto niya. Iyon nga lang ay hindi niya kayang gayahin ang powers na inherent para sa isang nilalang lamang.

At isa pa , sa installment na ito ang character ni Mystique ay ginampanan ng paborito ko ngayong aktres na walang iba kundi si JLaw , o di ba .

At sa tanong na , kung maibabalik mo ang nakaraan , ano ang nais mong itama para mailigtas ang ngayon , ito ay walang iba kundi ang aking pag-aaral.

Of course , kung natapos ko ang aking pag-aral , disin sana'y mayrun na akong dangal . Kanta ba 'yan he he he.

Kidding aside , kung maibabalik ko talaga ang panahon ay ito ang pagtutuunan ko ng pansin , lakas at ibayong pagsisikap dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano pala talaga kahalaga ang makatapos ng isang kurso na magagamit mo upang magtagumpay  sa panahong ito .

So paano , tara at sabay sabay nating panuorin sa malaking telon ang pelikula ng taon.

Here is the trailer :







2 comments:

  1. Palagi namang nabubuking ni Wolverine si Mystique kasi sa amoy niya. I prefer Rebecca Romijn as Mystique. Ang sensual lang niya.

    ReplyDelete