TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 28, 2014

X-Men: Days Of Future Past Screening Night

Courtesy of Nuffnang ay napanuod namin ng kaibigang si Alex ang premiere special screening ng pelikulang X-Men: Days of Future Past sa Shangrila-Mall.


ayaw magpa-picture ng friend ko kaya solo lang ako he he
9:30 ang simula ng screening at nakahabol naman kami ng friend ko sa awa ng Diyos kahit na kagagaling lang namin sa kani-kaniyang mga trabaho at raket .

the tickets for two
Umpisa pa lang ay umaatikabo na ang aksyon.

As expected ay hindi na naman kami binigo ng batikan at magaling na direktor na si Bryan Singer.

Action kung action.

Drama kung drama.

At walang patumanggang moment at emote ng bawat character ng pelikula.

Panalong panalo sa bawat aspeto ng isang matinong pelikula.

Central character ang favorite kong si Raven Darkholme aka Mystique na ginampanan ng equally favorite kong si Jennifer Lawrence.

At kuwela at aliw factor ang bagong dagdag na character na si Pietro Maximoof aka Quicksilver na sobrang bilis kumilos partikular  na ang slow motion scene nang kaniyang kabilisan with matching Time In A Bottle background music.

Nakakatakot naman ang mga Sentinels na  mga halimaw na pumapatay ng mga mutants.

For sure ay aabangan ko na naman ang next installment nito.

Can't wait to see it next. 

Havey na havey at wagas na wagas , kudos to the entire casts and crews of this magnificent film.

No comments:

Post a Comment