TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 1, 2014

Mga kaganapan this April and May 2014

Ang daming hanash ngayong late April at early May ng taong 2014 huh. Isa-isahin natin:

1.) Pope John Paul II at Pope John XXIII , ganap nang mga Santo ng Simbahang Katoliko - well , congratulations to the two of them . For Pope John Paul II , ang bilis parang hinahabol at for Pope John XXIII , huli man daw at magaling naihahabol din.

2.) Cedric Lee at Zimmer Raz nahuli na sa Samar ng NBI -  buti nga sa inyo . Gusto ninyo pang mag-ala Ping Lacson huh . Isunod na si Deniece Cornetto este Kuneho este Cornejo pala .

3.) President Barack Obama is in Manila - oh well the eagle has landed and met with the bald eagle of The Philippines he he he.

4.) MERS COV disease kumakalat na sa Middle East at marami  na ang namatay - buwisit talaga itong mga Corona na ito eh , mapa-virus , mapa Chief Justice talagang peste ha ha ha.

5. ) Kris Aquino nagpagupit at nagpaiksi ng buhok dahil may pagbabagong magaganap sa buhay niya - eh ano naman ngayon . Yayaman ba ako kapag may bago siyang hairstyle ngayon ? Eh ako nga nagpakalbo na't lahat eh wala namang pumapansin . Sinabihan pa akong " Gagong Gupit ka " ha ha ha . Nasaan ang hustisya dito .

6. )  Prime Minister of South Korea Chung Hong Won nag-resign dahil sa pagkamatay ng ilang katao sa lumubog na Sewol ferry - buti pa ang mga Koreano at may hiya sa sarili . Eh ang mga pulpolitikong Pilipino , pinagre-resign na ng sambayanan eh kapit - tuko pa rin sa puwesto . Hindi lang kapit-tuko , kapit-Mighty Bond epoxy  pa , ang kakapal.

7.) PBB AllIn Edition iniratsada ng ABS-CBN Channel 2 - Nagpa-audition pa nationwide ng halos libu-libong katao para umano makasali  at makapasok sa loob ng Bahay Ni Kuya . Yun pala 18 lang ang kukunin at walang mga pangit , lahat puro artistahin .  Piling pili talaga. Mukhang moro-moro at sarswela lang ang naganap na audition kiyeme. Ang mga Pinoy talaga ang sarap pagkakitaan dahil mga uto-uto!



8. ) Janet Lim Napoles handa na raw maging state witness at ibunyag ang lahat nang nalalaman niya tungkol sa PDAF Scam - talaga lang huh . Ano kayang nainom niya at bigla siyang nag-iba ng tono? Hindi kaya nasobrahan siya sa anesthesia nang siya ay inoperahan sa matris niya?



9. ) Malaysia Airlines Flight MH30 still missing in Indian Ocean - ano ba iyan at hindi mahanap-hanap at hindi makita-kita ang debris ng bumagsak na eroplanong ito huh. Ang dami namang gumagaya kay Ping Lacson huh.



10. ) NBA team owner Donald Sterling of LA Clippers faces a lifetime ban for his racist comment against blacks - hayyy naku hindi ba niya alam na mas magagaling pa ang mga maiitim kaysa sa mga mapuputi sa kahit na anong larangan. Read: Michael Jackson , Whitney Houston , Michael Jordan , Tiger Woods , Oprah Winfrey , Barack Obama , Toni Morrison . And here in The Philippines , it's Jejomar Binay.



At dahil Labor Day ngayon  , Happy Labor Day ngayon sa lahat ng uri ng manggagawa na tulad kong overly worked but painfully underpaid. Pero sige pa rin ang work at walang reklamo dahil kami ang Manggagawang Pilipino at hindi magngangawang Pilipino.

At kahit pa Labor Day ay walang inaasahang  pagtaas sa sahod ng mga dakilang Laborer.

Ang tanging tumataas lang ay ang rate ng admission ng mga nagle-labor sa hospital he he he.

Smile : )

Enjoy.
 


No comments:

Post a Comment