TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 31, 2014

Lugaw Queen


Nang magkaruon ako ng tsansang makabisita sa Lungsod ng San Pablo sa Laguna , hindi ko pinalampas ang pagkakataong makapunta sa pinakasikat na lugawan sa Southern Tagalog Region.

Walang iba kundi ang Lugaw Queen.


Ang Lugaw Queen ay pag-aari ng mag-asawang Beverly at Sherwin Aquino.

Aking pinuntahan ang lugar na  pinagsimulan ng matayog na pangarap ng mag-asawa.

Ito ay ang kanilang kauna-unahang sangay sa J.M. Basa Street sa San Pablo City Laguna.

Dito nagsimula ang lahat ng kanilang pangarap.

Taong November 2007 unang binuksan sa publiko ang kainang ito.



Ngayon ay nagkalat na sa buong Southern Tagalog Region ang mga sangay nito katulad sa Laguna, Cavite , Batangas at Quezon. Maging sa Metro Manila ay unti-unti na rin silang dumadami katunayan ay mayruon silang sangay sa Alabang , Commonwealth Avenue at ang kabubukas lamang na sangay sa Farmers Market sa Cubao na nito lamang April 2014 pinasinayaan.


Sa ngayon ay mayruon na silang 15 branches at 5 dito ay company owned.
Tumatanggap sila ng franchisees at kung nais ninyong umunlad o umasenso at maging may-ari ng pinakasikat na lugawan sa buong Pilipinas ay pumunta lamang sa kanilang website sa www.lugaw-queen.com

Sa sobrang sikat at kilala ng lugawang ito ay nai-feature na sila sa ilang mga shows at palabas katulad ng My Puhunan , Kabuhayang Swak Na Swak, Sharon Kasama Mo, Kapatid , Thumbs-Up TV at iba pa.

Huwag ninyong ipagkakamali dahil hindi lamang lugaw ang inyong matitikman sa kainang ito.

Mayruon din silang mga silog meals ,dimsums like siomai , siopao at puto , chicken feet , all day meals , tokwa at baboy , coolers like sago’t gulaman , halo-halo and different flavored shakes , sisig at marami pang iba .



Sa pag-aasikaso ng Marketing Assistant na si Mam Angel Albano ay magiliw nila kaming tinanggap ng aking kaibigang si Alex Gesmundo.

Aming tinikman ang pinag-uusapan sa kanilang mga hanay ng menu , ang Lugaw Queen Special na mayruong goto laman , egg at special chicharon .


Tunay ngang mas malasa ito kaysa sa ibang lugaw na aking natikman.

At siyempre hindi rin namin pinalampas na tikman ang kanilang siopao asado.


At panghuli bilang panghimagas ay ang kanilang malamig at masarap na shakes. Ang sa akin ay chocolate flavor samantalang pandan flavor ang kay Alex.

Sa aking tanghalian naman ay aking nasubukan ang Porkchop Meal na binalot sa dahon ng saging with matching kamatis at nilagang itlog , sarap.



Tunay na kakaibang foodtrip ang aking naranasan dito kasama na ang maalagang pag-aasikaso ng mga staff and crews sa pangunguna ni Mam Angel Albano.

Salamat po sa pag-welcome sa amin sa inyong hapag-kainan.


Sobrang naibigan namin ang aming maiksing pagtigil sa inyong lugar at tinuring ninyo kaming tunay na reyna at hari .

Tunay na kayo ay Reyna Sa lasa at Swak Sa Bulsa.

Keep up the good work at saludo kami sa inyong tagumpay.

Sa uulitin.  















4 comments:

  1. ahaha ikaw din naman pala eh traveler lolz

    ReplyDelete
  2. sarap naman at ang dami ng choices ng food nila! bongga ng lugaw queen! :)

    ReplyDelete
  3. Ang galing naman nila. Hope makapunta ko dyan one day:)

    ReplyDelete
  4. @ Rix oo nga , traveller din pero may kasamang work he he
    @Zai sugod na sa Lugaw Queen ..sama mo si Patootie mo he he
    @Ms. Joy ... bisita ka sa Lugaw Queen , nasa home province n'yo 'yan sa Laguna

    ReplyDelete