Friday, May 9, 2014

Ashitaba or The Miracle Plant


Join the bandwagon ako sa pagngasab nitong bagong kinahuhumalingang  Miracle Pant o Ashitaba sa mas kilalang pangalan.

May tanim naman kasi sila Mother and Father sa aming backyard so why not try it 'di ba.

And totoo nga , dahil ilang days ko pa lang na nginunguya ( parang kalabaw or baka lang ang peg ko ) ang kaniyang berde at sariwang mga dahon tuwing umaga ay nakaramdam na ako ng ginhawa sa katawan lalo na sa parte ng aking panunaw .

At ang aking arthritis ( sign of aging he he ) , ay himalang nabawasan kung hindi man ay nawala.

At tungkol naman sa lasa niya ay parang dahon lang ng bayabas na nginunguya rin ng mga boys na hindi pa operado tuwing summer kaya I'm sure na very familiar na rin kayo sa lasa nito.

Tunay nga na it works wonders and  true to its name na Miracle Plant.

Marami pang promise ang halamang ito na I'm sure in the coming days ay mas magiging kilala at in demand dahil sa ganda ng naidudulot nito sa ating katawan.

Ikaw , magpapahuli ka pa ba?

3 comments:

  1. la kasi nyan dito eh, kaya inguya mo na rin ako:)

    ReplyDelete
  2. Bongga naman ng miracle plant :) Hanap nga din ako nyan ng may manguya din ako :)

    ReplyDelete
  3. @ Joy .. oo ba Ms. Joy , but I know na worldwide ito available Ms. Joy kaya baka merun din jan yan , tanung ka lang sa market
    @Zai .. tara , nguya tayo nito like a cow or carabao he he he

    ReplyDelete