TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 17, 2014

MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO

FROM : JOHN PAUL YAO

MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO

1. Laging napagbibintangang magnanakaw, rapist, snatcher, akyat bahay ,shoplifter at kung anu ano pang krimen na sa iyo ituturo.

2. Kahit maligo ng hundred times mukha pa rin daw mabaho. Hindi rin siya puwedeng magmaselan kasi hindi raw bagay.

3. Hindi puwedeng maging artista, pulitiko lang (then saka lang puwedeng maging artista)

4. Laging kontrabida sa pelikula, o di kaya binabambo ng binilot na diyaryo at sinasabuyan ng ihi sa arinola.
 
5. Sinasabihang manyak ng katabing babae kahit mas matigas pa sa iyo ang mukha niya.


6. Kailangang maging matalino at mabait , kung hindi ,malamang sasabihan ka ng “kaawa-awang nilalang”


7. Kahit branded ang damit at sapatos mukha pa rin daw galing “ukay-ukay”


8. Lahat ng bagay kamukha na niya at sinasabihang “mukhang palakol”, “mukhang tsinelas” “mukhang basket” at kung anu ano pa (hayop din kasama sa listahan)


9. Paboritong batuhin ng titser ng eraser, chalk at aklat. Siya rin ang pinagbibintangang kumain ng yema at pulburon na hindi pa nagbabayad.
 

10. Kapag napasagot niya ang magandang babae sinasabihang “ ginayuma lang daw “ kapag kapwa panget naman ang napasagot niya - “ no choice ” daw ang tawag duon.


1 comment:

  1. Sobra naman:(
    But I believe that if he has God in his heart, God's beauty will shine on him:)

    ReplyDelete