TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 19, 2014

Line To Heaven - a repost from Kalansay Collector

Bet na bet ko ang post/entry na ito ni Mr. KC Kalansay Collector kaya humingi ako ng permiso from him to repost it here in my site . Umagree naman siya . Thank you po!

Read on :

line to heaven
Dear God,

Kailan ba tayo nag-usap ng masinsinan? As in 'yung ganitong levels. Miss mo na ba ako? Ikaw ha pumaparaan kung paano ako kalabitin. Chos. Haha. Anyway highway, I'd like to believe we have this special relationship. Haha. Pinalaki akong Katoliko kaya napagdaananan ko rin ang magsimba tuwing linggo, hindi maligo tuwing Mahal na Araw at ang kuwestiyunin ang sarili ko dahil isa akong bakla at labag iyon sa utos mo. Pero malaki na ako. Tumigil na kami sa pagsisimba tuwing Linggo. Naliligo na ako tuwing Mahal na Araw at alam kong hindi ka naman talaga namamatay kapag Biyernes Santo at hindi rin December 25 ang birthday mo. Okay lang naman. Paborito ko ang mga araw bago mag-Pasko. At higit sa lahat isa na akong NPC.

Non-practicing Catholic.

Na-realize ko kasi bakit ako magsisimba sa isang institusyong naniniwalang masusunog ang kaluluwa ko sa impiyerno? Nakakaloka 'di ba Lord? Pero huwag kayong mag-alala dahil sa kabila ng pagtalikod ko sa mga utos ng kinalakhan kong relihiyon, sa tingin ko mas lalong nag-mature naman ang pagtingin ko kung Sino at ano Kayo sa buhay ko. 

Naniniwala ako na nasa langit kayo. Naniniwala ako na hindi kayo lalaki at hindi rin kayo babae, basta powerful ka. Hindi masyadong humanize. Naniniwala ako na kayo'y mapagpatawad at hindi mapagparusa gaya ng sinasabi sa Biblia. And with that, I believe na isa lamang literature ang Bible at hindi ninyo talaga sinulat. But yeah, I still respect it, remnants ng aking pagiging Catholic. Haha.

Naniniwala ako na kayo ang may likha ng lahat at namasdan na kita sa iba't-ibang mukha. Mga random good Samaritan. Ang magandang Coron at ang Lawa sa bunganga ng Pinatubo. Alam kong Ikaw yun. Alam kong nakikinig ka kapag nagdadasal ako pero hindi ibig sabihin nuon sinasagot Mo na. Para Kitang kaibigan. Ikaw lang ang mas nakakaalam ng mga sikreto ko higit pa sa aking mga kapamilya at matatalik na kabarkada. Minsan nagdadasal ako sa Iyo ng mga masasamang bagay. Haha. Pero kebs lang dahil pakiramdam ko kaya ako tao at Diyos ka dahil duon. Feeling ko pinagtatawanan Mo lang ako sa tuwing nagdadasal ako ng mga ganuon pero ginagabayan mo din ako para makuha kung ano talaga ang dapat kong makamit.

Marami akong bagay na hindi maintindihan na gusto kong itanong sa iyo. Gaya na lamang kung sino nga ang pinakikinggan Mong dasal, o kung paano Ka nagdedesisyon kapag may namamatay nang biglaan. Natatakot ako , sa totoo lang, sa kung ano ang kaya Mong gawin. Pero kapag iniisip ko, mas lalo lang nagsasanga-sanga ang mga tanong. Naisip ko, kaya mas masarap ding maging tao dahil mas maraming tanong. Siguro nababagot Ka na dahil alam Mo na ang lahat. All knowing Ka pala e. Chos. Haha.

Minsan naisip ko paano kung hindi naman pala Kayo totoo, eh di nagmukha lang akong tanga na umasang may Diyos akong makikilala someday. Pero naisip ko naman, mas mabuti na yun kaysa naman hindi ako naniwala tapos malalaman ko na lang na totoo Ka pala hindi ba? Hehe.

Ewan. Minsan iniisip ko simple lang dapat ang paniniwala Sa'yo. Hindi masyadong complicated. Basta ang alam ko marami Kang mukha. Ikaw ang Diyos, pati rin si Allah, minsan trip mong maging si Buddha o kaya ang mga nakakatakot na mga Diyos ng India. Pero feeling ko wala Ka naman talagang mukha. Ninais lang ng mga tao na i-physicalize Ka para meron silang mahawakan, masamba, masumbatan kapag hindi nasagot ang kanilang mga panalangin, maalayan at kung anu-ano pang ritwal. Gusto Mo ba talaga ang mga prutas na ino-offer sa'yo sa offertory?

Minsan mas madaling paniwalaan na totoo Ka kaysa hindi. Ewan. Nararamdaman ko namang totoo ka. Kaya nga ako nandito e. Naisip ko ang swerte siguro ng mga taong nakausap mo. Bakit noon nakikipag-usap ka kina Moises? May drama ka pang burning bush. E bakit ngayon ayaw mong mag-tweet? Or gumawa ng FB page? Ang saya lang siguro na makakuha ng mga sagot at magabayan sa mga desisyon sa buhay kung nakakausap Ka. Mas madaling maniwala Sa'yo.

Kung tutuusin ang daming kumplikasyon sa mundo para hindi Ka paniwalaan. Bakit may mga bagyo? May giyera. Kamatayan. Mga sakit. Si Tita Aida. Ang mga mamamatay-tao at masasamang nilalang. Gusto ko rin yang itanong at alam kong marami akong makukuhang sagot pero iba siguro kung Ikaw mismo ang nagsasabi di ba? Hehe. Howell siguro masyado Kang busy para sagutin kami isa-isa. Ilang language din siguro ang kailangan Mong i-on at i-off.

Natutuwa ako na alam kong mahal Mo ako sa kabila ng aking imperfections.  Siguro ang hirap nuon 'no? Kaya minsan nahihiya akong humarap Sa'yo sa simbahan. Nagdadasal na lang tuloy ako sa simbahang sarado kahit na alam kong tumatagos ang iyong mga tingin sa makapal na pinto. Tinging walang judgement, wala akong dapat ikatakot dahil kahit paulit-ulit ang mga dasal ko na walang katuturan, kahit minsan walang laman, alam ko, alam Mo na yun. Basta umaalis ako, nararamdaman kong sapat na ang mga pinagsasasabi ko dahil hindi naman talaga nasasabi ang dasal ng puso. Nadidinig Mo.

XOXO,

Kalansay

PS

Pasok ang post ko pala sa isa kong blog about morality.

"Paglabas ko ng locker room at gym, mas madaling mag-discern ng tama at mali dahil malayo sa mga nagkalat na “temptations”. Naisip ko siguro kung wala ang ahas at ang mansanas, naging maganda ang buhay nina Adam at Eve. Wala sanang kasamaan ngayon. Mas madali naman talagang umiwas sa kasamaan kung wala ang pag-uugatan nito."

2 comments:

  1. Awakening and honest thoughts, but still I believe the Bible, the word of God. If you really seek him and believe, you will find him and hear from Him in every area of your life.

    ReplyDelete