TRAVELBOOK NOW!

Saturday, March 1, 2014

Libre Magmahal

Entry ko para sa Inquirer Libre's " Libre Magmahal " contest :

Nang mabasa ko ang pakulong ito ng Inquirer Libre , wala nang ibang pumasok sa isipan ko upang isali kundi ang nag-iisang babae ng aking buhay.

Walang iba kundi ang aking - MAMA REMY.

Siya ang aking walang kupas na butihing inang si Rosalina Valdez Briones.

At tamang tama dahil Valentines Day ngayon at ito ang takdang oras at panahon upang maipadama ko ang aking pagmamahal sa kaniya.

At saktong sakto rin dahil Flashback Friday naman ngayon kung saan ay ating ibinabalik ang mga ala-ala ng nakaraan.

At dahil ilang tumbling na lang ay Mother's Day na rin sa buwan ng Mayo , swak din itong alay para sa natatanging araw ng mga tulad niyang ulirang ina.

At ilang kembot pa ay birthday naman niya sa June 11.

Ito ang aming litratong magkasama nuong ako ay pasaway na bulinggit pa lamang habang namamasyal sa Luneta Park sa Maynila.

Wala pa akong pakialam nuon sa mundo dahil masaya na akong minamasdan ang nakakamanghang water fountain.

Samantalang si Mother ay all smile sa kamera.

Tama lamang na nakatalikod ako dito kasi ang gusto ko ay siya ang ma-highlight a ma-focus dahil moment niya ito.

Ang sexy niya ano ?

Subalit ngayon na siya ay nasa katandaan na rin ay medyo may iniindang karamdaman si Mother Dear kaya sad din kami para sa kaniya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin gumagaling ang kaniyang natamong pilay/bali sa likod niya kaya halos umiiyak siya sa kirot na nadarama kapag ito ay sumusumpong.

Sana lang ay sa pamamagitan ng posteng ito ay maihandog ko ang isang taos-pusong pasasalamat at pagmamahal sa pinakamahalagang babae para sa aking buhay.

I love you Mother.

Get well soon and take care always our dear Mother.

We love you very much, mwaaahhh !

#LibreMagmahal

2 comments:

  1. Very sweet naman. Hope she will get better.

    ReplyDelete
  2. This is soooo sweet ateng! Let's pray that she'll not feel that back pain anymore :)

    ReplyDelete