TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 5, 2014

Bakers' Fair Fruit Pie

Hindi ko makakalimutang bumili ng pamosong Fruit Pie mula sa Bakers' Fair tuwing mapapadaan ako dito .

Simula bata pa lang ako ay kinahiligan ko na ito .

At hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang sarap ng lasa ng munting espesyal na pagkaing ito na mula sa pinaghalo-halong mga prutas .

Isa pa sa mga hindi ko kinaliligtaang bilhin mula sa bakery na ito ay ang kanilang Pineapple Sandwich.

At siymepre sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanilang sikat na Diced Hopia!

Kaya naman , ano pa ba ang dapat gawin , tara na sa Bakers' Fair !


No comments:

Post a Comment