TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 13, 2014

R.I.P.Tado and Roy Alvarez

Dalawang  alagad ng sining  ang magkasunod na pumanaw nitong buwan ng Pebrero 2014 .

Una ay ang respeTADOng aktor at creative artist na si Arvin “ Tado “Jimenez na namatay sanhi ng aksidenteng pagkahulog sa bangin ng bus na sinasakyan niya patungong Bontoc Mountain Province nitong ika-7 ng Pebrero.

Ang nasabing bus ay ang GV Florida na umano ay nawalan ng preno habang paakyat sa mataas na bulubundukin ng Mountain Province kung kayat ito ay sumirko-sirko at tuluyang bumagsak sa malalim na bangin malapit sa highway .

Halos 17 ang namatay dahil sa trahedyang ito kabilang ang ilang bilang ng mga foreign tourists na bumibisita lamang sa bansa upang mamasdan ang magagandang tanawin dito subalit inabutan ng aksidente. Gayundin ang ilang mga kapwa artistang kasama ni Tado na sina Giovanni ' Bam " Morillo at Andrew David Sicam.

Nakakakilabot din ang huling post na ito sa FB ni Tado bago siya namatay . Signos talaga .




Nagkaruon din kami ng bihirang pagkakataon na masilayan sa huling sandali ang mga labi ni Tado sa huling araw ng burol nito sa kanilang bahay sa Marikina City na pumanaw sa edad lamang na 39, upang kahit sa huling sandali  ay makapag-paalam kami sa isang magaling at mabuting nilalang na maagang dinagit ng kawit ni Kamatayan.

Naulila ni Tado ang kaniyang asawang si Leonora Jimenez at ang kanilang apat na anak na babae .

Pangalawa ay ang mahusay na karakter aktor na si Leandro Delantar " Roy " Alvarez dahil naman sa atake sa puso nitong 11 ng Pebrero sa edad na 63.


Ilang dekada ring itinampok sa maraming mga pelikula ang karakter ni Leandro Delantar " Roy " Alvarez . Isa siya sa mga mahuhusay at magagaling na karakter aktor na ipinahiram sa atin ng mundo ng pelikula at telebisyong Pilipino .
 
Kilala rin siya bilang isang mahusay na direktor at scriptwriter.

Sa inyong dalawa ,ang aming pagpupugay at pagsaludo!

No comments:

Post a Comment