TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 17, 2014

Pinoy Bloggers Outreach - Kanlungan Ni Maria

Naimbitahan ang inyong lingkod sa unang anibersaryo ng grupong aking kinabibilangan na Pinoy Bloggers Outreach  nitong nakaraang ika-2 ng Pebrero 2014.

Tutal ay ilang tumbling , kembot at kandirit lang naman ito mula sa amin ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumama.

At dahil wala akong ibang makakasama sa charity event na ito ay muli kong kinayag ang bonggaderang blogera na si Binibining Melanie ng Todo Sa Bongga

Alas dose ng tanghali ang aming napag-usapang meet-up sa SM City Masinag dahil ayon sa organizer na si Senyor ay ala-una pa naman ang umpisa ng programa.

Nanggagalaiti at naghuhumiyaw ang init ni Haring araw nung oras na iyon .

Hindi katulad ng mga nagdaang araw na malamig ang simoy ng hangin, parang belated na Pasko huh !

Anyway , diretso kami ni Ateng Melanie although nagkandaligaw-ligaw kami dahil hindi namin kabisado ang lugar.

Muntik na ngang hubarin at baliktarin ni Ateng ang kaniyang gown damit dahil nga naliligaw kami at dahil na rin sa sobrang init : )

Paano ba naman ay si Mamang tricycle driver ay una kaming dinala sa  Kainan ni Maria na isang event restaurant pala , kalokah.

Ang sabi namin kay Manong ay hindi kami makikikain o magpa-party sa aming attire na ganuon.

Akala siguro ni Manong ay guest of honor si Ateng ng isang reception dahil sa pagiging pabulosa ni Ateng Mel  he he he .

Ang tutoo,ang aming destinasyon ay ang Kanlungan Ni Maria na matatagpuan sa Nayong Silangan Subdivision sa Antipolo City .

Sa wakas ay nakarating kami sa venue with grand entrance.

Nahiya naman kami dahil nasa kalagitnaan yata ng sermon si Father nang kami ay dumating.

Sabi siguro ni Father ay mang-aagaw kami ng moment .

Scene stealer sabi nga ni Ateng ha ha ha.

Eh paano ba naman  kung mag-rebolusyon ang traysikel ni Manong ay ganuon na lang kalakas huh .

At siyempre pa , sinalubong kami ng ever-reliable and ever-smiling na si Senyor Iskwater ng Kwentong Iskwater.

Medyo mainit nuong time na iyon  sa loob ng venue kaya stay muna ako sa labas.

Mabuti naman dahil nakilala ko ang muy simpatico na si Amphie Garcia ng Modernong Pluma

And then we have exchanged phone numbers ,charing .

Agad agad .Hindi ba pwedeng exchange bloglink lang muna he he he.

Napag-alaman ko na pareho pala kaming first timer sa ganitong klaseng event kaya medyo hiya hiya much pa .

As time goes by ay unti-unting umusad ang programa.

Kaunting kantahan , kainan ,special numbers , speeches and bonding moment with mga Lolos and Lolas ay natapos ang programa bandang alas - singko ng hapon.

May kanya-kaniyang toka ang bawat bloggers na mga lolo at lola.

Ang natoka sa amin ni Ms. Melanie ay si Lolo Ruben .

FYI , si Lolo Ruben ay single since birth he he he. NGSB ikanga he he he.

At the age of 70 ay nanatili na siya sa pangangalaga ng Kanlungan.

Wala na daw relatives na gustong mag-alaga sa kaniya.

At dati rin daw siyang naging kapitan sa isang barangay sa bandang Visayas.

Nakakatuwa namang pagmasdan ang mga matatanda sa Kanlungan.    

Bagamat mahihina na ang ilan sa kanila ay kita mo ang kasiyahan sa kanilang mukha dahil sa mga bisitang dumarating sa kanilang tahanan sa ganitong pagkakataon.

At huwag ka dahil game na game din sila sa aming mga inihandang pakwela.

Nagpapasalamat ako dahil may mga ganitong tahanan na handang tumulong at umagapay sa kanila sa pagsapit ng dapit-hapon ng kanilang mga buhay .

Sumasaludo ako sa mga ganitong uri ng tao at serbisyo para sa kapwa.

Sabi nga namin ni Ms. Melanie na nasasalamin namin ang aming pagtanda sa anino ni Lolo Ruben .

Bagamat sandaling pagkakataon lamang ay alam naming nabigyan namin ng munting kasiyahan sa kanilang mga labi ang aming mga mahal na lolo at lolang ito.

Parang nanariwa tuloy sa aking gunita ang aking lolo at lola na mahal na mahal ako bilang kanilang “bibo “ at “ pasaway “ na apo .

Bago natapos ang maghapon ay nakilala din namin ang ibang mga kapwa blogero na sina Rix Padin ng PsychoRix, Otep Zablan ng Libre Lang Mangarap, Arvin ng Chateau De Archieviner, Zai Salonga ng Zai Moonchild , Josh ng Kulapitot ,  Nutmeg Bello ng The Nutty Thoughts at siyempre si Ms. Joy Bugten ng Joy's Notepad fresh from Norway .

Salamat din sa bonggang pasalubong from Ms.Joy . ( another blog entry ito siyempre he he )

All in all ay sobrang saya ng charity event na ito ng grupong PBO .

I am proud to be one of their members.

And I’m looking forward to the next event or ganap.

Kudos to all of us and God bless us all !









1 comment:

  1. nyahaha kaya pala nawala yung naunang mong post draft pala yun ito na yung tunay na entry sa kanlungan ni maria :D

    ReplyDelete