TRAVELBOOK NOW!

Friday, February 7, 2014

Picture Picture - Ryan Agoncillo

Hook na hook ako sa bagong game show na ito ni Ryan Agoncillo , the better half of Judy Ann-Santos na may kapareho ding game show on the same time slot ng kaniyang show para naman sa ABS-CBN na Bet On Your Baby huh .

Mas bet kong panuorin ang show ni Papa Ryan kaysa sa programa ni Juday he he , although mahilig din naman ako sa mga babies .

Exciting kasi ang game show ni Papa Ryan , may suspense at twist sa bawat segment ng show.

Una kasi ay magkakakampi at nagtutulungan kayong mga apat na contestants.

But towards the end of the show ay isa-isa nang nalalagas ang grupo at naiiwan ang isang matira ang matibay na mag-uuwi ng jackpot prize na kalahating  milyong piso.

Kung sa umpisa ay magkakakampi kayo , habang tumatagal ay kailangang lumabas ang strategy ninyo sa bawat isa upang tanghaling panalo at hindi umuwing luhaan.

Dapat ay may technique ka upang hindi ka maungusan ng iyong mga kalaban.

Ganundin naman sa tunay na buhay eh , kung sa umpisa ay kakampi ka ngunit dumarating ang oras na ilalaglag ka ng mismong kakampi mo , nobody knows , kaya ingat ka .

Kahit anong ambag ang naitulong mo , kung gusto ka niyang ilaglag , tiyak hulog ka sa patibong!

Uuwi kang luhaan .

Kaya hindi rin ito patalinuhan .

Kundi pahusayan ng strategy .

At bilis din ng kamay sa pagsa-swipe.

Exciting 'di ba ?

Dito walang kai-kaibigan . Walang kakampi-kampi.

Naglalaban kayo to each his/her own .

Makikipagtagisan ka upang manatili sa posisyon hanggang sa huli.

At sa kahuli-hulihan , ang manatiling matatag at matibay ang siyang mag-uuwi ng pinaka-aasam na premyo!

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete