TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 12, 2014

GLOBE Project Wonderful 2014

Nang tanungin ako kung anong bagay ang maaari kong ihandog bilang regalo para sa aking minamahal na bansang Pilipinas, sandali akong nag-isip.

Kung tutuusin ay halos wala na akong bagay na maisip na sukat kailangang ibigay pa para sa ating bansa.

Ito'y sapagkat halos " nasa 'yo na ang lahat  " , ikanga ng sikat na awitin ni Daniel Padilla.

Ano pa ba ang mahihiling natin?

Nandiyan ang mga magagandang tanawin, pangalanan mo:

Banaue Rice Terraces - ang tinaguriang 8th Wonder of the World.


The majestic Mayon Volcano.


Ang mapanghalinang magagandang tanawin sa Palawan Province.


Ang nakakagayumang probinsya ng Batanes.


Ang tiyak na babalik-balikan mong isla ng Boracay.


Ang kaakit-akit na Bulkan ng Taal.


Ang mga makukulay na diving sites na dinarayo ng mga turista sa Batangas, Mindoro at Romblon.


Ang nakakabighaning mga talon sa bansa katulad ng Maria Cristina , Pagsanjan , Hinulugang Taktak at marami pang iba.


At bakit lalayo ka pa ay nandito lang sa Maynila ang ilan pang ipinagmamalaking magagandang pasyalan at lugar - Intramuros , Manila Cathedral , Rizal Park , Manila Bay sunset atbp.


Name it and we got it.

Masasarap na prutas at pagkain ba kamo ang hanap mo ?

Nandiyan ang masarap at matamis  na Camiguin Mangoes.


Ang mga pinyahan sa Bukidnon.


Ang mga sariwang strawberry at grapes sa Baguio.


Exotic fruits ba ang type mo?

Ba't hindi mo subukan ang Durian ng Davao, Pili ng Bicol , Lansones at Rambutan sa Laguna , Kaimito , Papaya , Kasoy , Duhat , Granada , Langka , Sinegwelas , Kamatsile , Mabolo at isama mo na din ang madalas ma-underestimate na Aratiles.


Walang tatalo sa sarap ng Dinakdakan at Pakbet ng mga Ilokano, Bicol Express at Laing ng mga Bikolano, Pansit Cabagan ng Isabela , Danggit at Litson ng Cebu , Longganisa ng Vigan at Lucban ,
Pansit Molo ng Ilo-ilo , Pansit Malabon , Sisig at Menudo ng mga Pampangueno , Bagoong at Bangus ng mga Pangasinense , Tuba sa Benguet , Kare-Kare , Balut , Penoy , ano pa ba ?


Tiyak na bundat ka paglabas mo ng bansang Pilipinas !

Kung gusto mo ng kahayupan , panalo din tayo!

Nandiyan ang Tamaraw sa Mindoro.


Ang mga cute na tarsier sa Bohol.


Ang mga mailap na Butanding ng Sorsogon.


At ang mga sikat na animals na sina Lolong na isang buwaya at si Mali na isang elepante.



At siyempre ang ating magiting na Haribon na Philippine Eagle.


Mayaman din tayo sa mga kutura at tradisyong pinaka-iingatan.

Ati-Atihan ng Aklan , Panagbenga ng Baguio , Dinagyang ng Ilo-Ilo , Sinulog ng Cebu , Pahiyas ng Quezon , Fiesta ng Quiapo at Parada ng Litson sa Balayan.


Mga ipinagmamalaking mga Pilipino ba ikamo ?

Sino ang hindi nakakakilala sa Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao?


Ang hinahangaang mga Pangulong sina Ramon Magsaysay at Corazon Aquino.


Si Efren Penaflorida at Cris " Kesz " Valdez ( kaapelyido ko pa siya huh ).


Sina Charice , Lea Salonga , Arnel Pineda , Apl Deap , Lino Brocka , Nora Aunor at iba pa.

At ngayon ay ang iginagalang at matapat na taxi driver sa New York na nagsauli ng malaking halaga ng pera na naiwan ng kaniyang pasahero.


Honesto ikaw ba 'yan ?

Astig 'di ba ?

At siyempre , sino ba ang makakatalo sa panalong ngiti at tuwa sa labi ng bawat Pilipinong makakasalubong mo sa kalsada nito !




Babansagan ba tayong most friendly  country on Earth kung hindi dahil diyan?

'Di ba sikat tayo sa ating Filipino Hospitality?

At para saan ang taguring  City of Smiles kung hindi tayo ganito?


The ever smiling and resilient people of the Philippines we are.


Kaya tunay namang pinagpupugayan ang lahing Pilipino saanmang panig ng mundo , agree ka diba ?        

At dahil diyan, ano pa ba ang aking regalong maihahandog para sa bansang Pilipinas kung ganiyang nasa atin na ang lahat !

Hmmmm, ano pa ba ang kulang kung meron man?

Siguro kung meron man akong nais na ihandog na regalo para sa aking mahal na Inang Bayan , ito ay nasa larangan ng komunikasyon !


Napakahalaga ng komunikasyon para sa isang bansang katulad ng Pilipinas na pinaghihiwalay ng mga matatayog na bundok , malalalim na dagat , malalaking mga ilog , matataas na talon , madadawag na kagubatan at malalawak na kapatagan.

Subalit sa tulong ng isang mabisang paraan ng pakikipag-komunikasyon ay posibleng maabot ang bawat isang Pilipino saanmang sulok ng bansa.

Ang nais ko sana ay magkaruon ng isang network of sim na puwedeng ilagay sa katawan ng bawat Pilipino na magsisilbing paraan upang siya ay matunton o mahanap nasaan man siyang lugar sa Pilipinas.

Nang sa gayon ay magiging madali ang paraan ng pakikipag-talastasan at pakikipag-usap ng Pilipino sa bawat Pilipino saanman siya pumunta.

Sa isang bansa na laging binibisita ng maraming mga sakuna , aksidente at kalamidad ay napakahalaga ng komunikasyon upang magsilbing gabay o tulong upang madaling ma-locate ang kinaroroonan  ng isang Pilipinong nawawala at matunton kung nasaan siya.

Nasa kailaliman man siya ng dagat , sa tuktok ng bundok o nasa pinakamalayong isla ay madali mo siyang makokontak gamit ang network of sim na ito.

Ilang trahedya na ba ang ating naranasan na sadyang nagpalugmok at nagbigay sa atin ng hapis at lumbay dahil sa kahirapang makita ang kinaroroonan ng ating mga pinakamamahal sa buhay.

Nandiyan ang banggaan ng MV Dona Paz at Mt Vector; Lindol sa Baguio, Cabanatuan , Mindanao at Bohol ; Bagyong Ondoy , Rosing  at Habagat ; Ormoc Tragedy ; Cherry Hills Tragedy at lately ay ang pagragasa ng Supertyphoon Yolanda sa Kabisayaan.


Ilan pang trahedya ang ating mararanasan at ilan pang mga kababayan natin ang masasayang ang buhay nang hindi naaagapan dahil sa kakulangan sa komunikasyon!

Subalit kung ang bawat Pilipino ay may network of sim na nakalagay sa kanilang katawan ay siguradong maiiwasan na ang ganitong mga pagkawala ng mahal na buhay.

At sino pa ba ang walang ibang mapagkakatiwalaang mangangasiwa sa ganitong klase ng proyekto kundi ang GLOBE lamang !


Sa lawak at dami ng subscribers na sa kanila ay nagtitiwala ay siguradong malulutas natin ang problema ng paghahanap sa bawat isa.

At sa bisa ng teknolohiya at ganda ng imprastraktura na kanilang ginagamit ay paniguradong malayo ang maaabot ng tawag at boses ng bawat isa sa atin .

Kaya't ito ang aking munting hiling na puwedeng iregalo at ibigay sa bawat mamamayang Pilipino.

Nasaan ka man , siguradong abot ka ng GLOBE !


Dahil sa GLOBE , go lang ng go !


Ikaw, anong bagay ang maaari mong iregalo o ibigay para sa bansang Pilipinas ?

#GLOBEProjectWonderful2014

No comments:

Post a Comment