TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 6, 2014

Hitchcock

Isa sa paborito kong direktor ay si Alfred Hitchcock

Kaya naman ang isang pelikula tungkol sa paggawa niya ng isa sa kaniyang maraming mga obra ( Psycho ) ay hindi ko pinalagpas .

Tungkol ito sa kung paano silang mag-asawa nina  Alfred at Alma Reville Hitchcock ay nalagpasan ang mga pagsubok at hirap sa paggawa at pagdidirek ng isang obra maestrang pelikulang may pamagat na Psycho .

Hindi pala ganuon kadali ang mag-prodyus  ng isang matinong pelikula lalo na kung may pinagdadaanan kang mga isyu sa buhay .

Gaya na lang ng naramdamang paninibugho ni Alfred dahil sa pakikipag-cooperate ni Alma sa isang manunulat , hirap sa pagbabadyet ng pera sa pagprodyus nito , pressure mula sa mga lider ng industriya , pakikisama sa mga artistang kasali sa pelikula at ilan pang mga personal issues .

Ngunit dahil sa angking talino at karunungan ng mag-asawa ay nalagpasan nila ang mga pagsubok na ito at matagumpay na naitawid ang karangalan ng pelikula.

And the rest is history as they say.

Ang huhusay din ng mga nagsipagganap na mga artista katulad nila Anthony Hopkins as Alfred Hitchcock , Helen Mirren as Lady Hitchcock Alma Reville at si Scarlett Johansson as Janet Leigh .

This is also one hell of a masterpiece .

Kudos to the Master of Suspense .

And to the whole cast as well !

No comments:

Post a Comment