TRAVELBOOK NOW!

Friday, February 28, 2014

Bagong sakit sa Pangasinan ? A prophecy fulfilled ?

Kumalat sa FB at Twitter world at iba pang social media account ang isang balita tungkol sa isang bagong sakit  na nakakadiri at nakakahawa diumano na unang napanuod at ini-report sa Bandila news ng ABS - CBN 2.

Nakakadiri in the sense na tila daw buhay na naaagnas ang isang babaeng Pangasinense dahil kinakain ang buong balat at laman nito ng mga sugat , and the worst is may lumalabas pa daw na mga uod at kung anu-anong insekto sa katawan ng nasabing babae.

Samantala ang isang case naman ay sa isang binatilyong Pangasinense din na tila ba naaagnas ang buong katawan at nangingitim  at kinakain ng kung anong nakakadiring sakit sa balat na halos sukat at ikamatay na nito.

Ikino-connect pa ito sa isang prediction ng isang Indian prophet na nagsabi nuon sa isang event na may lalabas na ganitong sakit na magmumula nga daw sa Pangasinan .

At ayon nga sa kaniyang propesiya ay kakalat daw ito sa buong mundo !

Ayon pa sa kaniya ay susunod ito na makikita sa Cebu at Bohol.

Medyo nakakapangilabot at nakakaalarma sa umpisa dahil mistulang totoo na tumama ang hula ni Manong dahil sa pag-konek ng hula niya tungkol sa isang malakas na Bagyong tatama sa Samar at Leyte daw.

At nangyari nga ang Bagyong Yolanda!

At ngayon ay ito naman daw sakit na ito ang nagkakatotoo!

Magugunaw na daw ang mundo dahil lumalabas na ang mga palatandaan ng End Time !

Subalit dagliang napawi ang aking pagkabahala at bagabag sa aking isipan nang magpalabas ng advisory ang DOH tungkol dito at sinabing  isa lamang daw itong simpleng isolated case ng sakit na Leprosy ( Ketong ) at Psoriasis.

Hayun  naman pala eh .

Hmmmm , isa na naman itong kaso ng news sensationalism for sure.

Na nang marinig nila ang propesiya ni Manong Propeta ay nag-research na sila ng kasong ganito sa Pangasinan at presto may nakita naman sila at agad na ibinalita at ibinandera.

Kaya hayun trending topic agad worldwide huh.

I am sure nagsisimula na silang mag-research diyan sa Cebu at Bohol dahil sabi sa propesiya ay dito ito susunod na kakalat at mamamataan para sabihing totoo nga ang propesiya na lumalaganap na ang sakit dito sa Pilipinas .

Ang Pinoy nga naman !

Maabilidad he he he !

Wala naman palang dapat ika-alarma!

At huwag kayong mag-alala dahil matagal pa bago magunaw ang mundo !

Dahil marami pang masasamang tao na binibigyan pa ni Lord ng pagkakataong magbago he he he!

Relax lang at chili chill muna 'pag may time !

At any  rate heto ang mga related na videos tungkol dito :






1 comment:

  1. We need still to be prepared. We never know when we are going to stop breathing:)

    ReplyDelete