TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 30, 2014

Vhong Navarro , bugbog-sarado

Hot topic , trending at headline ang pagkakabugbog sa comedian / It's Showtime TV host na si Vhong Navarro kamakailan lamang sa loob ng isang condo unit sa The Fort Taguig City.

Pasa-pasa , lamog at namamaga ang mukha ng kawawang Vhong Navarro nang humarap ito para sa isang one on one interview with Boy Abunda at duon ay isiniwalat at idinetalye niya ang mga pangyayari na nagresulta sa kaniyang pagkakabugbog.


Ayon sa salaysay ni Vhong , siya daw ay hiniya , tinakot , tinorture , hinarass at kinikilan ng malaking halaga ng pera ng mga personalidad na sangkot dito gaya nina Deniece Cornejo , Cedric Lee at marami pang iba .

Iba rin naman ang detalye ng diumano'y tunay na pangyayari ng mga pinangalanang sangkot sa bugbugan blues.

Ayon naman sa side ni Deniece , si Vhong daw ay nabugbog dahil tinangka diumano siyang gahasain nito.


Masalimuot ang mga pangyayari.

Hindi pa malinaw kung sino ang nagsasabi ng totoo.

At kung kaninong panig ang kakampihan ng nakapiring na hustisya.

Bawat panig ay may paliwanag kung ano ang totoong mga pangyayari .

Subalit kung susuriin ang mga inisyal na pruweba at ebidensya , tila ba patungo ito sa pagiging pabor sa panig ni Vhong Navarro.

Una ay detalyado ang pagsasalaysay ni Vhong kung ano ang tunay na nangyari. Walang pangingimi at kagatul-gatol na isiniwalat niya sa madla ang detalye ng pangyayari step by step. Ang mga suspek naman ay tila ba walang emosyon kung magsiwalat ng mga detalye. Mayruon bang babaeng muntik nang ma-rape ang kumikilos at nagsasalita nang ganuon lamang na para bang okay lang sa kaniya ang lahat ? Hindi  kasi halata sa tono niya na isa siyang babaeng muntik magahasa eh sa totoo lang. 

Pangalawa, ay tumugma ang mga detalye na isiniwalat ni Vhong  sa mga nakalap na kuha ng CCTV video and images mula sa lugar ng pinangyarihan. Samantalang ang sa mga suspek ay hindi tumutugma ang kanilang bersyon sa kuha ng mga CCTV.

Pangatlo , walang anumang kaso ng panggagahasa at pananakot ang kinasangkutan ng dancer/comedian at host na si Vhong Navarro hindi katulad ng sa mga suspek na may nauna nang kaso ng pambubugbog lalo na kay Cedric Lee na diumano ay isang mayabang at aroganteng negosyante.

Anu't anuman ay tiyak na mahaba pa ang lalakbayin ng kasong ito .

Sana lang , sa bandang huli ay lumabas din ang katotohanan at malaman kung sino ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo.

Mayruon lang akong ilang mga agam-agam tungkol sa high profile na kasong ito:

1.) Kung ito ay puwede palang mangyari sa isang sikat , mayaman at may maimpluwensyang personalidad , paano na lang ang mga walang kalaban-laban , mahihirap at hindi kilalang mga tao ?

2.) Nuon pa pala may kaso ng pambubugbog itong si Cedric Lee ( kina David Bunevacz at Jessica Rodriguez ) bakit ngayon lamang ito lumutang ?


3.) Kailangan ba talaga sa isang citizen's arrest na ang taong iyong inaaresto ay bugbog-sarado , maga ang mukha , nakatali ang mga kamay at may duct tape na nakatapal sa bibig bago mo dalhin sa presinto at isumbong sa mga pulis ? Sa dami nilang iyon ay hindi nila kinayang i-subdue  ang nag-iisang si Vhong ? May powers ba si Vhong na mala-Gagamboy kaya natakot sila at nagawang bugbugin si Vhong?

4.) Kung tutoong tinangkang gahasain si Deniece ni Vhong , bakit walang narinig na sigaw o tili mula sa loob ng kaniyang unit ang mga kalapit kuwarto niya ? Gusto rin kaya ni Deniece ang nangyayari ?

5.) Ano ang relasyon nina Cedric at Deniece ?

6.) Bakit ba tila inaalat ang mga miyembro ng It's Showtime na nasangkot sa ilang mga kontrobersya ?
Billy Joe Crawford on split-up with long-time girlfriend Nikki Gil . At ngayon ay rumored na may something going-on with fellow co-host Colleen Garcia.
Vice Ganda for his joke attacks on GMA host Jessica Soho.
Anne Curtis on her drunkard scene at a posh club also in The Fort.
Kim Atienza on his battle with Guillain-Barre disease.

Hayzz , ang daming mga tanong , wala akong sagot .

Kayo ba meron ?

In the meantime , to make this issue much lighter , heto muna ang isang bagong pelikula starring the triumvirate of Vhong Navarro , Deniece Cornejo and Cedric Lee . Watch out for it at your favorite police precinct.



No comments:

Post a Comment