TRAVELBOOK NOW!

Friday, January 17, 2014

Kalokah Moment 1

Sisimulan ko ang mga kalokah moment na ganap sa aking life from now on.

Heto iyong mga kaganapang hindi masyadong kagandahan at todo laughtrip ako kapag naaalala ko.

Puro true to life etits na nangyari sa akin promise .

At sisimulan ko ang pagsi-share ng isang ganap na ito.

Galing ako nuon sa isang isang interview para sa isang call center job na inapplayan ko diyan sa may bandang Libis Quezon City.

Tapos na ang interview ko at nakatanggap ako ng note sa isang maiksing papel na nagsasabing hindi daw ako pumasa para sa nasabing interview.

Saklap ( insert hagulgol here )

Mag-try na lang daw ako ulit mag-apply after 3 months.

Pababa na ako ng escalator at ready na akong mag fly-away-home ngunit sumisiksik pa rin sa utak ko kung anong mali ang nangyari sa akin sa interview portion para hindi ako matanggap ng nasabing call center company.

Pilit kong binabalikan ang mga pangyayari .

Habang patuloy ako sa paglalakad palabas ng building.

This time nakababa na ako sa escalator.

Tinutungo ko na ang exit door ng building.

Maya maya pa, isang malakas na " blaggggghhhh " ang umalingawngaw sa lobby ng building.

Blagggghhhhh !!!

Hindi ko namalayan , nauntog ako sa salaming dingding ng building.

Talagang nakipag-lips tolips at smack ako sa nasabing salamin complete with the sound effect na halos dumagundong sa buong lobby.

Buti nalang at walang masyadong tao nuong time na iyon sa lobby at  ang tanging nasilip ko ay may isang tao na nanduon sa customer desk na pihadong bumunghalit nang makita ang kagagahan ko.

Hindi ko na siya pinansin at dali-dali na lang akong tumalilis palabas ng " totoong pinto "

At buti na lang hindi nabasag ang salamin !

Kung hindi ay poproblemahin ko pa ang pambayad sa salamin eh naghahanap nga ako ng mapapasukang trabaho , waaahhhh!

Kalokah talaga!

1 comment:

  1. Thanks for making me laugh this cold moring here in Norway:)

    ReplyDelete