Thursday, January 16, 2014

Congratulations Rose Fostanes - X Factor Israel Grand Winner

Nagdiriwang ang sambayanang Filipino dahil sa pagkapanalo ng OFW na si Rose Fostanes na isang caregiver para sa kauna-unahang X-Factor talent show sa Israel.

Patunay na kahit nasaan mang dako ng mundo ay patuloy na angat ang talento at kalibre ng mga Pilipino.

Dagdag pang karangalan para sa mga miyembro ng LGBT kung saan siya kabilang.

Naging daan tungo sa kaniyang tagumpay ang awiting My Way ni Frank Sinatra na ilang beses na naging sentro ng usapan dahil umano sa akibat nitong sumpa ng kamalasan at kamatayan.

Subalit para kay Rose Fostanes , ang awiting  ito ang nagsilbing suwerte tungo  sa pag-abot ng  kaniyang pangarap na katagumpayan.

Panuorin ang kaniyang winning performance dito:


No comments:

Post a Comment