TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, July 31, 2013

" Who am I to judge " gay people - Pope Francis

Pak na pak .

Swak na swak at havey na havey .

Sa lahat naman ng mga sinabi ni Pope Francis ay ito ang pasok na pasok sa banga !

Lusot hanggang sa kaibuturan ng palayok na pink .

Damang dama at pumipintig sa puso at kaluluwa.

Sa wakas ay may kumampi na sa mga Ikatlong Kasiraan este Kasarian pala he he he.

Dahil diyan ay sa iyo na dapat iputong ang korona ng Sangkabekihan .

Kung ganiyan naman mag-isip ang mas nakararami , disin sana'y mas maalwan ang buhay sa mundong ibabaw.

Ikaw na Pope Francis .

You na !



Tuesday, July 30, 2013

Mongoloid versus Pipi fliptop battle

Shi-nare lang sa akin sa Facebook ang videong ito sa Youtube ukol sa tila ba flip-top battle ng isang Mongoloid ( pardon the word used  , ito rin ang ginamit na word sa title ng Youtube viedo ) at isang pipi
( mute )

Kaya naman isi-share ko din dito.

Natawa naman kasi ako ng bongga sa kanilang epic battle na ito he he he.

At may subtitle huh .

At ang nakakatawa ay ang subtitle na ginamit para sa pipi ay Chinese character huh.

Hindi po ninanais na maging object of ridicule ang karakter ng isang may Down Syndrome at isang pipi sa videong ito .

Ito ay isa lamang simpleng  pagsasalarawan kung paano umasta at kumilos ang may mga ganitong uri ng kaisipan.

Baka kasi may mag-react na namang mga moralista na kesyo " inaabuso " ang mga taong ganito.

Chillax chillax din pag may time .

Huwag masyadong seryoso at sensitive sa buhay .

Baka atakehin kayo ng nerbyos at stroke he he he he.

O dito na ang video , at tama na ang anupamang ka-shitan:


Monday, July 29, 2013

" ... can I buy an hour of your time ? ... "

Share share din from Rhei Dylan Yauder :


SON: "Daddy, may I ask you a question?"
DAD: "Yeah sure, what is it?"
SON: "Daddy, how much do you make an hour?"
DAD: "That's none of your business. Why do you ask such a thing?"
SON: "I just want to know. Please tell me, how much do you make an hour?"
DAD: "If you must know, I make $100 an hour."
SON: "Oh! (With his head down).
SON: "Daddy, may I please borrow $50?"
The father was furious.
DAD: "If the only reason you asked that is so you can borrow some money to buy a silly toy or some other nonsense, then you march yourself straight to your room and go to bed. Think about why you are being so selfish. I work hard everyday for such this childish behavior."

The little boy quietly went to his room and shut the door.
The man sat down and started to get even angrier about the little boy's questions. How dare he ask such questions only to get some money?
After about an hour or so, the man had calmed down, and started to think:
Maybe there was something he really needed to buy with that $ 50 and he really didn't ask for money very often. The man went to the door of the little boy's room and opened the door.

DAD: "Are you asleep, son?"

SON: "No daddy, I'm awake".
DAD: "I've been thinking, maybe I was too hard on you earlier. It's been a long day and I took out my aggravation on you. Here's the $50 you asked for."

The little boy sat straight up, smiling.
SON: "Oh, thank you daddy!"
Then, reaching under his pillow he pulled out some crumpled up bills. The man saw that the boy already had money, started to get angry again. The little boy slowly counted out his money, and then looked up at his father.

DAD: "Why do you want more money if you already have some?"

SON: "Because I didn't have enough, but now I do.

"Daddy, I have $100 now. Can I buy an hour of your time? Please come home early tomorrow. I would like to have dinner with you."
The father was crushed. He put his arms around his little son, and he begged for his forgiveness. It's just a short reminder to all of you working so hard in life. We should not let time slip through our fingers without having spent some time with those who really matter to us, those close to our hearts. Do remember to share that $100 worth of your time with someone you love? If we die tomorrow, the company that we are working for could easily replace us in a matter of days. But the family and friends we leave behind will feel the loss for the rest of their lives. And come to think of it, we pour ourselves more into work than to our family.

Some things are more important.

Sunday, July 28, 2013

PO1 Joselito Sevilla : The Crying Cop

Ngayon lang ako nakamasid ng pulis na ganito .






It goes to show that they are only a frail human .

Napapagod .

Nagugutom.

Napupuyat.

Naguguluhan.

Nalilito.

Naiiyak.

Pasaway naman kasi ang mga raliyistang ito eh.

Walang kasiyahan at kakuntentuhan .

Ganiyan naman talaga sila taun taon na lang. 

At isa pa ang dayuhang sampid na ito na may asta pang manigaw at mambulyaw ng ating kababayan .



Hmmppp, layas , tsupi !

We don't need you here in our country !



Saturday, July 27, 2013

New McDo Commercial " Good Kuya "

Ang sweet at very touching ang bagong commercial ng McDonalds involving two brothers , the other one being having a Down Syndrome .

It just simply shows how two siblings with distinct personalities can have a bonding even though they have a difference .

Watch here:



Friday, July 26, 2013

Babala : Bagong modus ng mga kriminal sa mga sumasakay ng taxi

Mula sa GMA News website ang babalang ito para sa mga commuters na sumasakay sa taxi .

Heto ang kanilang bagong modus operandi .

Mag-ingat !

____________________________________________________________

Arestado ang isang taxi driver at kasabwat nito na nangholdap at nangmolestiya sa isang babaeng pasahero na sumakay sa kanila sa Makati. Ang modus ng mga suspek, magtatago sa trunk ng taxi ang isa at saka lalabas kapag nakakuha ng tiyempo.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Sarabosig, driver ng taxi na may plakang TXD- 899, at ang kasabwat nito na si Samuel Aumentado.

Unang nadakip ng mga pulis si Sarabosig sa lalawigan ng Quezon kung saan nila dinala ang biktima. Sumunod na naaresto sa Las Pinas ang nagtago sa trunk ng taxi na si Aumentado.

Kapwa inamin ng dalawa ang paratang laban sa kanila pero nagturuan sila kung sino ang nagpasimuno ng kanilang krimen.




Ayon sa ulat, sumakay ang biktima sa taxi ni Sarabosig sa Makati para umuwi ng bahay noong Linggo ng gabi. Pero pagdating sa EDSA, tumigil ang taxi na nagsilbing hudyat kay Aumentado para lumabas ng trunk.

Tinutukan umano ng patalim ang biktima at kinuha ang mga pera at gamit. Hindi pa nasiyahan ang mga suspek, dinala nila ang biktima sa Unisan, Quezon.

Sa loob ng sasakyan habang bumibiyahe, minolestiya umano ni Aumentado ang biktima.

Pagdating sa Quezon, nagpaiwan na si Sarabosig kasama ang biktima. Habang si Aumentado, bumalik na sa Maynila.

Nagawang makatakas ang biktima at makapagsumbong sa pulis nang makatulog si Sarabosig.

Ayon sa pulisya, ito ang nakikita nilang bagong modus ng mga kriminal na gumamit ang taxi. Magtatago ang kasabwat ng driver sa trunk at pagkaraan ay magdadahilan na may problema ang taxi para itigil niya ang sasakyan at bubuksan ang trunk na senyas para sa kasabwat.

Kaya mahigpit na payo ng pulisya sa mga sumasakay ng taxi, laging maging alerto at mas mabuting magkaroon na umano ng suking taxi driver.

Makatutulong din umano kung kunin ang plaka at body number ng taxi at i-text ito sa kakilala o kamag-anak kung sakaling magkaroon ng aberya.

Wednesday, July 24, 2013

David's secret weapon


Kaya naman pala nanalo si David laban kay Goliath ay dahil si Red ng Angry Birds ang pinang-tirador niya he he he.

Tuesday, July 23, 2013

Alex Randolph - Just For Laugh gone wrong

Napanuod ko ang isang Youtube video tungkol sa isang prankster para sa show na Just For Laugh kung saan involve ang isang Alex Randolph at diumano ay sa kasamaang palad ay binaril ng taong kaniyang binibiro habang siya ay nasa loob ng isang mailbox ( ang eksena kasi ng prank ay may tao sa loob ng mailbox at lahat ng mga taong maghuhulog ng sulat sa mailbox ay ibabalik ng taong nasa loob nito  ang sulat palabas ng mailbox  )

Naimbyerna yata ang taong niloloko na may dalang baril kaya pinagbabaril ang taong nasa loob ng mailbox( na si Alex Randolph nga )

Na sad-and-cry naman ang lola n'yo sa ending ng video dahil sa pagkamatay ng batang ito .

Subalit sa pagri-research ko sa internet , ang eksenanag ito ng pamamaril ng nasabing lalaki ay isa rin palang malaking BIRO !

Hmmmm , hindi na nakakatawa huh !

Lokohan din lamang pala ang lahat ng palabas na ito !

Hay naku , linlangin n'yo ang lelang n'yong panot !

Dito ang video :



Sunday, July 21, 2013

Lord Patawad - Basilyo

Bet ko itong bagong kanta ni Basilyo entitled Lord Patawad ( redundant , title na nga ng post ko huh )

Nakaka-relate much he he he.

Marami ba ang tinamaan hmmmm ???!!!

Dito ang video :


Saturday, July 20, 2013

Post , Usap , Deal

Nauuso ngayon  ang tinatawag na online buying and selling website na katulad ng Sulit.com.ph at Ayosdito.com.ph na dalawa sa pinakanangungunang website sa ating bansa pagdating sa buying and selling business.

Natatandaan ko nuong unang panahon na kapag gusto mong mag-advertise o magpa-anunsyo tungkol sa isang bagay na nais mong ibenta o kaya ay bilhin ay kailangan mong magbayad ng kung hindi man daan-daan ay libu-libo para magkaruon ng maliit na espasyo lamang sa isang sikat na diyaryo o magasin.

Subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unting lumiit ang mundo ng mga advertisers with the advent of free advertising newspapers gaya ng Buy And Sell at Right Finder.

Simula nuon ay hindi na mahirap ang paghahanap ng medium kung saan mo libreng mailalathala ang  pangangailangan mong magbenta o bumili  ng isang produkto.

At dahil nga libre ang pagpu-post dito ng sangkatutak na anunsyo o patalastas ng mga subasta o bentahan para sa isang produktong magmula sa mga gamit tulad ng TV , radio , camera , cellphone ; hanggang sa mga alagang hayop katulad ng mga imported dogs and cats  at mga wild animals ; hanggang sa anunsyo para sa mga serbisyong katulad ng wedding planning package , home decorating , food catering , mga trainings and seminars at iba pang katulad nito . Minsan nga pati tao ay puwede mo na ring ibenta sa katulad ring paraan gaya ng sa mga personal and home massage service at escorting for men and women ay mayruon na din  .

Di kalaunan ay ang Buy And Sell  ang naging Bibliya ng mga may negosyong buying and selling .

At pumasok naman ang panahon ng digital computing .

Dito na pumalaot ang mga website na Sulit.com.ph at Ayosdito.com.ph na ngayon ay nagpapatalbugan sa paghihikayat sa mga online advertisers na mag-post ng kanilang mga patalastas sa nasabing website.

Sabi nga ng logo ng isang website ay Post , Usap , Deal.

Sabi pa ng isa ay  " Ang hindi na ginagamit , Ibenta mo na “

Ganun lang kadali. At the comfort of your own home ay puwede mo nang maipakalat sa buong mundo ang anunsyo  mo upang makita ng mas maraming tao at magkaruon ng interes na bilhin ang iyong mga produkto.

Ilang click at pindot mo lang ay naka-post  na online ang iyong mga ibinebentang gamit at serbisyo.

Mas maalwan na ang buhay , hassle free na sa pagtawag-tawag at pag-follow up ng iyong advertisement , puwede mo pang i-customize ang hitsura at layout ng design ng iyong ads , at higit sa lahat at pinakamasarap sa lahat ay libre pa!

Oha , saan ka pa!

Kaya naman ang inyong lola ay sumabay na din sa agos ng buhay.

At nag-post din ang lola n’yo ng mga kasangkapan at gamit sa bahay  na hindi naman na masyadong napapakinabangan  ay bakit hindi pa pagbili at nang maging pera.

Kaya naman ang mga gamit katulad ng 21 inch JVC TV  , Sony Cybershot Digital Camera , Hot and Cold Water Dispenser , Mini Personal Dresser , Nokia N95 Cellpone, Samsung Galaxy S at marami pang mga abubot na nakatambak lamang sa bahay at inaagiw .

Tingnan n’yo na lamang sa Sulit at Ayos ang aking mga poste at baka may magustuhan kayo at halina at kayo ay tumawad .

Basta huwag lamang mambarat ha .

Bawal din ang tumuwad at mamburat he he he.

Oh ano pang hinihintay n’yo .

Post , Usap , Deal .

Friday, July 19, 2013

" ... hihintayin kita sa altar "

Mayruong magkasintahang masinsinang nag-uusap sa isang parke .

Umiiyak ang babae:

Babae : Huwag mo akong iwan please . Hindi ko makakayang mawala ka .

Lalaki : Huwag kang umiyak mahal ko. Kailangan kong lumayo . Pangako magkikita pa tayong muli .

Babae : Huwag mo akong iwan aking mahal . Huwag kang aalis . Bakit kasi kailangan mo pang lumipat ng ibang eskewelahan at  lugar at iiwanan mo ako ?

Lalaki : Hindi ko maipaliwanag ang dahilan . Subalit kailangan akong lumayo  . Basta ito lang ang maipapangako ko sa iyo . Hihintayin kita sa altar . Pangako ko iyan sa iyo !

Babae : Hu hu hu hu ....

At lumisan ang lalaki .

Matapos ang halos limang taon , makikitang ikakasal na ang babae at nagmamartsa sa loob ng  simbahan patungong altar .

Tila ba tulirong naglalakad ang babaeng ikakasal .

Nang malapit na siya sa altar ay bigla siyang natigilan .

Natulala ang babaeng ikakasal.

At kapagdaka'y bumuhos ang masaganang luha sa kaniyang pisngi .

Bumulong ang paring magkakasal sa babaeng nasa harap ng altar:

Pari : O huwag ka nang umiyak . Tinupad ko ang pangako ko saiyo . Heto na ako . Hinintay kita dito sa altar!

Tuesday, July 16, 2013

Ang Sugapa


PEDRO:Pare, gagawa ako ng pelikula. Ako ang direktor, producer, cameraman, ako rin ang bida. At ang title :

" Ang AKIN ay AKIN, ang IYO ay AKIN pa rin "

ano, ayos ba ang pamagat huh ?

JUAN: Pare, ang haba naman ng title, ba't di mo na lang paikliin at ang gawin mong  title ay :

" ANG SUGAPA "

Monday, July 15, 2013

" are you Relaxing ? "

Si Juan nagbakasyon sa resort.

Nakahiga si Juan malapit sa beach.

May dumaan na Amerikano.

Amerikano: Hey are you relaxing? 
Juan: No!

May dumaan na Tsino.

Tsino: Are you relaxing?
Juan: No I'm not!

May dumaan namang Hapon.

Hapon: Are you relaxing?
Juan: No I'm not relaxing.

Nabuwisit si Juan kaya naglakad-lakad siya nang may nakita siyang Koreano na nakahiga.

Juan: Are You Relaxing?
Koreano: Yes I'm relaxing!
Juan: ( Binatukan ni Juan ) Puta ka , ikaw lang pala si Relaxing kanina ka pa hinahanap ng mga kasama mo at napagkamalan pa akong si Relaxing...

Saturday, July 13, 2013

Kaiju Attacks Manila - Pacific Rim

Natawa naman ako dito :


Dumi nga ba ito ng isang alien monster ?

O mga basura sa Payatas at Smokey Mountain ?

At sa Maynila pa talaga napiling tumae ng bastos na Kaiju na yan huh !

Nagtatanong lang po !

Friday, July 12, 2013

Mr. Methane - Fartingist

Madami ka talagang mapipiling mga video worth sharing  sa show na " Got Talents " mula sa iba't ibang bansa na puwedeng puwede mong i-post sa mga blogsite na katulad nito .

Tulad na lamang nitong sa " Britain's Got Talent "  kung saan isang Mr. Methane ang nagpamalas ng kaniyang talento ....

..... sa pag-utot he he he.

Aba talent din nga namang maituturing at bihira lang ang nakagagawa niyan huh!

Ang kawawa lang ay ang next performer dahil paniguradong amoy niya ang lahat ng baho mula sa mike hmmmppp.

Anu-ano kayang kinain ng mamang ito bago siya mag-perform ?

Panuorin n'yo na lang dito , mabuti pa :


Wednesday, July 10, 2013

Kopiko ads in buses

Super like ko itong bagong poster advertisement ng Kopiko para sa mga bus .

So brilliant he he he .

Aakalain mong nag-counterflow ang mga bus na ito sa traffic dahil inantok ang driver na tutulog-tulog when in fact ay ay poster lang pala ito at inilagay sa likod ng mga napiling bus .

Ingat ingat lang sa mga makakasalubong mong bus huh .




Tuesday, July 9, 2013

Download ( FB Song ) - Dingdong Avanzado

Para sa mga tulad kong adik at araw-araw ay laging may status update sa Facebook , heto ang theme song natin :


Monday, July 8, 2013

Ang kaibigan ay hindi perpekto pero totoong tao...


Ang kaibigan ay :



SINUNGALING pero tapat at maasahan.



MAYABANG pero hindi ka huhusgahan.



MAANGAS pero kaya kang ipaglaban.


SUWAPANG pero puwede kang pagbigyan.


BURAOT pero mapagbigay kapag mayruon din naman.


ALASKADOR pero mapagmahal.


ULYANIN pero hindi ka kinakalimutan.


 

In short , ang tunay na kaibigan ay hindi perpekto, 


pero totoong tao. 



Sunday, July 7, 2013

My NANAY is the best teacher in the world

MY NANAY IS THE BEST TEACHER
IN THE WORLD

Dahil tinuruan niya ako ng:

ANATOMY: “Mata ang ginagamit
sa paghahanap. Hindi bibig.”

SANITATION: “Anong akala mo
sakin, nagtatae ng pera?!

HISTORY: “Noong bata ako, piso
lang ang baon ko. Maswerte ka
pa nga.”

AGRICULTURE. “Kada butil ng
palay na kinakain mo
pinagtrabahuhan yan ng tatay
mo. Ubusin mo yan!”

GENEROSITY: “Ibigay mo yan sa
kapatid mo kundi malilintikan ka
saken.”

INDEPENDENCE: ” Kung ayaw mo
sumunod, bahala ka na sa buhay
mo!”

ASTRONOMY: “Para kang nasa
buwan kung maglakad. Bilisan
mo!”

RELIGION: “Pag hindi mo inubos
ang pagkain mo, paparusahan ka
ni Lord.”

SARCASM: “Ano? Bakit di ka
makasagot! bakit di ka
masagot?” Tapos kapag sumagot
ka, “At natututo ka ng sumagot
ha?!”

MAGLAKWATSA: “Papunta ka pa
lang pabalik na ako.”

ELECTRONICS: “You’re Grounded!
Hindi ka aalis ng bahay.”

SELF ESTEEM: “Ayan Dyan ka
magaling!”

LOGIC: “Pag di mo nakita,
makikita mo!”

THEORY OF EVOLUTION: “Manang
mana ka sa tatay mong unggoy!”

SPORTS: “Tumakbo ka na. Pag
naabutan kita, malilintikan ka!”

BASEBALL: “Ibabato ko sayo
tong hawak ko!”

HYPNOTISM. “Makuha ka sa isang
tingin!”

Saturday, July 6, 2013

PAGTITIWALA

FROM: KENNETH LLAGAS

"Napakahalaga ng " PAGTITIWALA " para sa mga babae .

Dahil ,aanhin pa ang PUKI ,  " PAGTITIWALA "

Ha ha ha , wagas !


Friday, July 5, 2013

Robin called Bebe a " sister "



Like ko ito .

Robin Padilla tweeted calling his brother ( formerly Rustom Padilla ) Bebe Gandanghari a sister.

And using pronouns " her " and " she " for " him "  ???!!!

Trueblue " girl " na nga ba talaga itong si Madam Bebe?

Or nag-iilusyon lang he he he ???!!!

At least they're okay hmmmm !


“All problems are illusions of the mind.”  

Eckhart Tolle


Thursday, July 4, 2013

Dance - ish by Kenichi Ebina

This is by far the most amazing dance performance I have ever seen in my life , pramis !

Kenichi Ebina from Tokyo Japan , performing his Dance -ish thing .

Grabe , kontrolado niya ang kaniyang katawan saanman niya ito dalhin .

Grabe ang pagkalaglag ng ulo niya mula sa leeg na akala mo ay tinanggal o pinugot huh .

At ang rewinding dance moves niya huh , sinong makagagawa niyon ?

Wala na yata siyang buto eh .

Panuorin n'yo na lang dito ang mga related videos at nang isa kayo sa bumilib : 









Wednesday, July 3, 2013

Monday, July 1, 2013

Batas ng preso para sa mga rapist

I-share ko ito bilang babala para sa mga would-be rapist :

Kung mayroon kang MALASAKIT sa mga biktima ng RAPE basahin mo ito!

BUKAS NA LIHAM NG MGA PRESO

Para sa mga Kalalakihan 

(BAWASAN ANG BIKTIMA NG RAPE SA PILIPINAS)

Kaibigan, kami ay mga Preso, Oo nakakulong kami, halang ang bituka at kaluluwa namin. Iba't-iba ang kaso naming mga Preso, mayroong naka-patay, droga, robbery at pagnanakaw at ang iba ay nangbubugbog ng mga bata. Oo aminado kami na nanglamang kami at nakasakit ng kapwa, pero ginawa namin iyon para sa mabuhay, at para sa mga Anak, hindi na namin ipag-pipilitan, dahil aminado kami na mali iyon, pero kahit kailan ma'y hindi kami nang-gahasa ng kababaihan.

Oo, mayroon kaming mga kasalanan at ang ibang kasamahan namin na mayroon kaso na "RAPE". ay binibigyan namin ng spesyal na atensyon. V.I.P. kung tawagin.

Hindi nyo alam ang tinutukoy namin na V.I.P.

Dahil kapag lumaya na ang isang Preso na katulad namin ay, hindi ikinukwento kung ano ang nagaganap sa loob ng piitan. Dahil walang gustong makipag-usap, oh ang iba ay nilalayuan kapag nalaman na Ex-convict. Hindi rin sila nag-k'kwento dahil nahihiya sila, kaya't hayaan nyo na kami na ang mag-labas ng mga pangyayaring iyon, para sa ikaalam ng lahat..

Gagamitin namin ang mga termino oh salita na kami lang ang nakaiintindi. kapag itinatrato naming V.I.P. ang isang Preso na nahatulan sa kasong RAPE..

"TAKAL" ang ibig sabihin ay bug-bog, sa mga maliliit na presinto pa lamang ay puro (takal) na ang aabutin kapag nalaman namin na RAPE ang kaso ng taong pumasok sa aming selda..

"SUPERMAN" superman ay isang libangan naming mga Preso, partikular sa mga CityJail. Ang ginagawa namin libangan na superman ay ang bagong pasok na Preso na nang-RAPE, apat na katao, ang isa hawak ang isang kamay, at ganon rin ang tatlo, hawak ang kamay, at magkabilang paa. Ihahagis ng mataas na mataas at sasaluhin, doon rin mismo, kung saan ang toka nilang hinawakan na parte, kapag malikot ang nang-RAPE at gumalaw hindi namin masasalo, alam nyo na siguro kung ano ang mangyayari kapag hindi namin nasalo, paulit-ulit hanggang hindi kami nasisiyahan, nasisiyahan lamang kami kapag nakakita na kami ng DUGO,

"TAXI" ang taksi na tinatawag ay, kapag nalaman ng MAYORES na ang bagong pasok sa oblo (piitan) ay repist, tuwang tuwa na ang MAYORES, dahil mayroon nanaman syang taksi, pinapasan ng mga reypist ang MAYORES oh segunda mayor at lahat ng may katungkulan, pinapasan ito kahit saan gustuhing pumunta, kapag sinabi ng MAYORES gusto niya lumibot buong araw sa City.Jail, ibig sabihin buong araw niya papasanin ang MAYORES, paikot-ikot gagawin siyang taksi, hindi siya pwedeng umangal dahil ang aabutin niya ay "TAKAL" oh "SUPERMAN" kapag nanglaban pa siya..

"MONYITO" "A/C"
Monyito ay taga-bantay sa mga preso habang natutulog. hindi siya pwedeng matulog dahil kapag may isang binangungot oh tiniraydor na preso at ito'y namatay. Idadagdag iyon sa kaniyang kaso, take note: habang siya ay nag-babantay may hawak siyang pamaypay, mag-damag niya papaypayan ang mga preso, para hindi lamukin ang mga ito. Hindi siya pwedeng pumalag kung ayaw niya ng "TAKAL" at "SUPERMAN" kinabukasan..

Kung ang inaakala ng iba na, kapag nang-gahasa sila ay basta-basta lamang sila makukulong, matutulog at kakain lamang sila sa loob ng bilangguan, nagkaka-mali sila, hindi ito pananakot at hindi gawang kwento. Ito'y totoong pag-trato sa mga preso na reypist.

Isinulat namin ito dahil kami ay nababahala na! sa datos ng Gobyerno, isa sa tatlong Kababaihan ang nagiging biktima ng RAPE, na walang pinipiling edad, bata man oh matanda, dalaga oh mayroong asawa. At base sa datos namin araw-araw ay mayroong pumapasok sa aming piitan na ang kaso ay RAPE.


Nangyayari ang V.I.P. na tinatawag sa mga City Jail lamang, dahil matagal ng organisado itong aming piitan na.

(New Bilibid Prison)"MUNTINLUPA"

Pero ayon sa datos ng Gobyerno na, tatlong Kababaihan ang ginagahasa Araw-araw, ay mapipilitan rin kami ibalik ang sistemang V.I.P. para sa mga taong magtatangkang mang-GAHASA ng mga kababaihan, madali namin mapupulong ang iba pang malalaking PIITAN, at iba't-ibang lider ng mga pangkat, gaya ng "BAHALA NA GANG", "SPUTNIK" "COMMANDO" at ang iba pa, na siyang sumusoporta sa isang reypist kapag ito'y sumama sa isang pangkat. Pero sa pagkakataong ito, wala ng pangkat-pangkat, talo-talo na, panahon na para pairalin na ulit ito, ang "BATAS NG PRESO"

Ngayon lamang kami gumawa ng bukas na liham. Hinihingi po namin ang tulong mo, kung sakaling mabasa mo ito.

Kung ikaw ay may-Anak na babae, mayroong kapatid, pinsan, nobya at asawa na Babae, kailangan ko po ang tulong mo para maikalat ito. ipakita mo na mayroon kang malasakit sa mga KABABAIHAN, kung gusto mo mabawasan ang datos na tatlong BABAE ang nagagahasa Araw-Araw..

Ayon kay Dr. Jose Rizal

"Panulat ang matinding sandata"

Labanan natin ang dumarami na kaso ng RAPE sa Pilipinas.



Please SHARE!